"Mukhang nakakaamoy ako ng hindi maganda ah!" Sabi ng kaibigan. Tinignan niya ito at seryoso ang mukha nito. "Alam mo, masasagot lang yang katanungan mo kapag nakausap mo na mismo si Ram." Dagdag na sabi pa ng kaibigan. "Paano ko kakausapin yung tao ni hindi ko nga matawagan. Ni hindi ko nga alam kung saang lupalop na ba siya ng mundo naroon." Naiinis na sabi niya. Oo, naiinis siya kay Ram dahil hindi naman mangyayari ang bagay na iyon kung hindi dahil sa kaniya. Kung hindi sana siya nito tinext na kakain sila labas, nagkulong na lang sana siya sa kanilang kuwarto pagkatapos ng kaniyang klase at natulog. "Nakakainis naman yang boyfriend mo! Ako talaga dito nabubwisit na kay Ram sa totoo lang!" Nagsasalubong ang kilay na sabi sa kaniya ng kaibigan. Kahit naman sino eh. Kaninang

