Nasa school siya noon, at katatapos lang nila ni Carla na mag merienda sa canteen ng makatanggap siya ng text mula kay Ram. 'Babe, dinner tayo maya ha?sa dati parin. Kita na lang tayo doon. I love you!' Napangiti naman siya sa nabasa, mukhang bumabawi yata sa kaniya ang nobyo. "Sino yang ka text mo? Bakit abot talampakan na yata yang ngiti mo ha?" Tanong sa kaniya ni Carla. Ipinakita niya ang text ni Ram at napatili ito bigla. "Ay wow! ang sweet lang ha! grabe girl ikaw na talaga!" Pinagkukurot siya nito sa tagiliran. "Carla!" Saway naman niya sa kaibigan. "Mukhang bumabawi yata ang mister mo ah!" Patuloy na kantiyaw nito sa kaniya. "Sana nga tuloy-tuloy na ito. Ayoko na ma stress grabe!" Sabi niya. Mabuti na lang at hindi na rin pumupunta sa mansion ng mga Villegas si Scarle

