"Ma, anong ginawa mo kay Isabelle?" Tanong ni Ram sa kaniyang ina, kasalukuyan itong nag-aayos ng sarili dahil may event silang pupuntahan ng esposo nito. "So, nagsumbong na pala sayo ang babaeng yun?" Nakatikwas at pagalit na sabi ng Doña sa anak. "Ma, ano bang problema mo kay Isabelle? Napakabait niyang tao!" Nanggigigil na sabi niya sa ina. Kung hindi lang kabastusan, baka sinigaw sigawan na niya ito. Ayaw niyang tuluyan na mawala ang respeto sa Ina. "Mabait? Really?Reinhard Alfredo Mike? Kilala mo ba kung ano at sino siya ha? Alam mo ba kung saan nanggaling ang probinsyanang iyon ha?" "Kilala ko si Isabelle ma sa simula't sapul pa lang, hindi siya kagaya ng iniisip niyo!" "So,mali ako ganun?" Galit na itinuro pa nito ang sarili at padarag na tumayo sa kaniyang kinauupuan. "Ma

