"Hindi mo ba talaga titigilan ang anak ko ha? Diba nag-usap na tayo tungkol dito?" Agad na hinaklit siya sa braso ng Doña sa isang gilid isang hapon na palabas siya noon ng kanilang paaralan. "Ma'am, nasasaktan po ako." Napapangiwing sabi niya dahil halos bumaon ang kuko nito sa kaniyang braso. "Hindi lang iyan ang matitikman mo kapag hindi mo nilayuan ang anak ko!" Galit na sabi nito sa kaniya. "Magaling ka din talaga noh? Napapaikot mo parin ang ulo ng anak ko, pero sa akin hindi ka uubra!" Dinuro pa siya nito sa noo. "Nagmamahalan po kami ni Ram.." Sagot niya. "Lintik na pagmamahal na iyan! Hindi mo ba naiintindihan na kahit anong gawin mo hindi ka nababagay sa anak ko ha?" Akmang sasampalin siya nito ng biglang dumating ang humahangos na si Carla. "Tita Esmeralda!" Agad na

