Pagdating ko ng condo ay nakatulog na ang kapatid ko sa sofa.Pag dito ako natutulog mas gusto niyang sa sofa.Isa lang kasi ang kwarto ng unit niya.Marunong sa pera si Ethan,dahil siguro maaga siyang humiwalay sa amin.,
"Oh,kuya kanina ka pa?"Ngayon lang,sorry at nagising kita,kakapagod sa trabaho ko ngayon.Ang hirap pala pag madaming pasaway.Dagdag pang ang daming hidden account na nakalagay sa account din mismo ng kompanya."Kuya you know naman kung sino ang namahala bago ka pinagkatiwalaan ni tito Alejandro d'yan."Ang hirap pag may kurakot,ang hirap i tally ng mga income buwan buwan sa daming costumers at karamihan iniluluwas panng ibang bansa.Ang laki ng kita nila kung maayos lang ang pamamalakad."Stressed kana niyan kuya,hindi gaya sa hotel pa easy easy ka lang."Hindi pa easy easy ang dami ding obligasyon."Kawawa pala si Alexandra pag siya na ang mamahala ng kompanya na iyan."Ngayong taon lang ito,maayos ko din ito kaya don't worry pag si Jia na ang mamahala,i'll make sure wala na siyang problemahin."Kuya may itatanong ako,si Jia ba na kilala mo at si Alexandra ay iisa?"Ha,e..hindi iba.Pareho lang silang maganda."Ipakilala mo sa akin yong Jia ha,parang curious ako e."Wa..wala din siya sa bansa eh,kung saan saan din pumupunta 'yon."Naku,kuya!alam mo na,pag mga ganyang mga babae hindi na hindi namamalagi sa isang lugar asahan mo na."Hindi naman siguro lahat at saka iba naman yong Jia na kilala ko."Bakit kaya karamihan sa mga babae kuya noh ang hilig sa adventure ang hilig lumuwas at mamasyal."Siguro nakasanayan lang nila,s'ya matulog kana ulit at magpahinga na din ako."Hindi kana kakain?"Hindi na medyo busog pa ako sa meryenda ko kanina.
Pumasok na ako ng kwarto at nagpahinga pagkatapos mag hilamos at magtoothbrush.Naalala ko ang magandang mukha ni Jia,palaban na babae parang walang kinatatakutan.Dahil din ba maaga siyang nahiwalay sa pamilya niya sa edad na desi sais?Ganun talaga siguro,ako takot.Takot akong mag isa o sadyang masunurin lang ako sa lahat ng gusto ni auntie mula pagkabata dahil takot ako mapagalitan at ayaw kong madisapoint sa akin ang auntie dahil mataas ang bilib niya sa akin.
----------
"Babalik na ako sa Pilipinas Alejandro."Salamat sa pagbisita Anelia huwag mo nalang muna banggitin ang kalagayan ni Jia sa kanila para hindi sila mag alala."Oo lalo na kay Ethan,huwag kang mag alala gagaling din si Jia."Sana nga Anelia."Magpapaalam lang ako sa kanya,huwag mo na ako ihatid sa airport may shuttle service naman na magsusundo."
"Jia iha magpagaling ka ha,aalis muna ako kailangan na kasing bumalik ng Pilipinas.Hihintayin ka nalang naming tatlo doon.Ako si Ethan at Erros,excited na silang makabalik ka doon.Aalis na ako ha.Naku naiiyak nanaman ako,para ko na ding anak itong si Jia."Amg ingat ka Anelia salamat ulit.
Pagkaalis ni Anelia ay binalikan ko si Jia at kinausap.Laking pasalamat ko kay Anelia dahil nabibisita niya kaming mag ama dito.Naging maaliwalas ang mukha ni Jia,sign na siguro na magigising na siya.Pero bakit ganun?
"Anak tama na please,nasubrahan kana sa tulog isang taon ka nang nakahiga dyan,sabi ng doktor mo baka hindi kana daw magising dahil sa tindi ng naranasan mo.Huwag mong iwan ang daddy please,sabihin mo kay mommy mo na babalik kana dito.Kailangan pa kita anak.Ikaw lang din talaga ang lakas ko noong panahong nawala kayo ng mommy mo sa tabi ko.
Nakatulog na pala ako sa tabi ng anak ko,sa oras oras na kausap ko siya ay umaasa akong sasagot siya.Pero hindi ako susuko,alam kong magigising ka anak.
"Baka iba sainyo ay nagulat dahil biglaan ang pagpatawag ko ng meeting.Nandito ako sainyong harapan ngayon para sabihing ayusin natin ang trabaho na nakatalaga sa atin hindi porke't bago lang pa lang akobdito ay hindi ko na nakikita ang mga gawa ninyo!Ayusin naman sana natin ang trabaho kahit wala ang tunay na may ari dito.Dahil si Jia ay nakipaglaban pa ngayon sa sinapit niya sa kamay na dating namamahala dito.Isang taon na siyang tulog at sabi bg auntie ko na nadoon ngayon ay nagreresponse naman daw ang katawan niya.Pero kahapon dumating ang auntie ko,nakita kong umiiyak at naawa sa kalagayan ng may ari nitong kumpanya.Dahil naka life support na machine nalang pala si Jia,ipakita naman natin na maayos ang trabaho natin kahit natutulog siya.Malay natin matuwa siya at magising na,bibisitahin tayo.Sa totoo lang,hindi ako ka anu-
ano ng may ari dito,pinaki usapan lamang ako na magbantay habang wala sila.Alam nyo naman siguro na busy din ako dahil ako si Erros Alexander Sandoval na may ari ng E.A hotel.Hindi lahat magagawa ko kung hindi din sa tulong ninyo.Hindi ko nga inaasahan e na naka isang taon na pala ako dito.Pero kahapon pagpunta ko sa production hindi ko kasi inaasahan na bumungad sa akin ang mga nagdadaldalang empleyado!Please guys,beauty products itong business na ito,ingatan naman natin para walang reklamo ang mga costumers natin.Ingatan natin ito dahil dito tayo nabubuhay,matagal na ang kompanyang ito sa kalolohan pa ni Jia at never pa nagkaroon ng mga complains,huwag nating hayaan na sa pamamalakad ko dito ngayon saka pa nagkaproblema.Problema ko ay magiging problema nyo rin,na gegets nyo po ba ako?"Yes sir,naintindihan po namin,pasinsya na po kahapon,hindi na mauulit."Maraming salamat sa inyong suporta,sana iapgdasal natin na gagaling na ang may -ari at makauwe na dito sa Pilipinas."Kawawa naman po si maam Jia..Kahit hindi pa namin siya nakikita alam naming mabuti din siyang tao kagaya ng kanyang ina sir."Oo mabait siya at mapagkumbaba dahil kahit mayaman siya ay napili nya paring mamuhay ng simple.Kaya guys aasahan ko po ang inyong suporta at panalangin para sa kanya,iyon lang po at maraming salamat at makabalik na kayo sainyong kanya kanyang trabaho."Salamat din po sir....
Sabay ng pagtalikod nila ay siya namang tumawag si auntie dahil may problema sa hotel,hindi daw pumasok si Ethan,ang aga naman umalis no'n kanina.Nagulat ako ng magtext sa akin si major De Castro at sinabing nandoon sa presinto si Ethan,binisita si mr.Jackson at binugbog niya ito.Alam ko ang rason ng kapatid ko,galit na galit ito sa lalaking maya dahilan sa kalagayan ni Jia ngayon,kahit ako man ay gagawin ko din sa kanya.Pero wala na,tapos na ang lahat at naparusahan na din s'ya.Ang tanging hangad ko lang ay makasurvive si Jia.