Nanghihina bigla ang tuhod ko na dadalhin nalang sa Amerika si Jia at doon ipagamot.At paakyat na ang mga nagbuhat sa kanya sa taas ng rooftop para isakay sa private plane ng mga Gonzalez.
"Uuwe na tayo si Alejandro na ang bahala sa anak niya,hinatid na ang mga gamit ni Jia Alexandra at gamit ni Alejandro dahil magtatagal sila doon depende sa condition ng anak niya.Erros may iniwan si Alejandro na sulat sainyo ni Ethan."Ethan tara na."Aasikasuhin ko ang papers ko,susunod ako sa Amerika."Ethan bigyan muna natin ng time ang mag-ama."Gusto ko lang masiguro at alamin ang lagay ni Alexandra auntie."Malala iho,kung magising man siya baka ma amnesia din.Kaya gagawa silang mag ama ng bagong memory nila.Kalimutan ang lahat na nangyari dito sa Pilipinas."Sana gagaling siya auntie."Magdasal nalang tayo para sa kanya,sa kanilang mag ama.
Isang taon na din ang lumipas,ako na din muna pansamantala ang namamalakad sa J.A cosmetics ayon sa iniwang sulat ni tito Alejandro.Si Ethan naman ay tumutulong na din sa kompanya bilang bagong CEO dahil busy ako sa J.A cosmetics.Bilang presidente ng E.A hotels ay dinadalaw ko din thrice a week."
"Busy kuya?"O,napadalaw ka."Wala magawa sa hotel nakakabagot doon.Nakapag adjust kana ba sa mga dapat gawin dito?"Oo medyo mahirap dahil iba ang proseso kasi produkto ang business.Sa atin kasi madali lang."Ayusin mo kuya ha,business ito ng mahal ko baka mamaya malugi dahil pinapabayaan mo."Loko ka talaga,ako na bahala dito.Tumawag na ba si auntie?"Hindi pa,nakarating lang ng amerika hindi na tayo naalala.oh,speaking of..."Hello auntie,kumust d'yan?"Ito sobrang ginaw dito.Si Jia tulog parin,pero nagrerespond na katawan niya.Sabi ng doctor bukas makalawa pwede na siyang iuwe sa bahay nila dito.Pero kabitan parin ng mga tubo."Bakit kailangan pa mga tubo?"sabi ni Alejandro sa mga vitamins at pagkain daw pati sa paghinga."Pero auntie sure na ligtas na siya ha?di bale nakalimutan na niya ako basta buhay lang s'ya."Ikaw talaga Ethan,s'ya matutulog na ako dahil gabing gabi na dito,ang business natin diyan ha,'wag pabayaan."Oo auntie,kami na bahala dito.Bye!
"Oh,narinig mo 'yon kuya nagreresponse na si Alexandra,yes!!!"Oo,kaya ikaw pagbutihin mo pagtatrabaho mo para may ipagmalaki ka pag uwe ng mahal mo dito."Oo naman,ito na nga babalik na ako ng hotel oh,s'ya kuya maiwan na kita.
Ngumiti nalang ako sa kapatid ko.Natutuwa din ako at kahit papaano ay may magandang balita galing sa amerika.
"Sino 'yon?"Kapatid daw ni sir Erros,gwapo din ha.Parehong biniyayaan ng kagwapuhan~~."Tumigil ka nga dyan kakatili mo baka marinig ka."Sus,day kahit si sir Erros nalang so yummy na ngiti palang ulam na."Sana makita na natin ang totoong may ari nitong J.A noh,salbahe pala talaga 'yon si Sir Jackson,nakakainis s'ya."Sinabi mo pa,buti nga sa kanya mabubulok na sya sa kulungan!"Yuna anibg schedule ko ngayon?"Wala na sir,saka uwi an na din po."Sige mauna na kayo,sinusundo kana ni Brian."Correction sir Erros,Bri-anna po."Oo na Bri-anna na kung Bri-anna."Pagpasinsyahan nyo na itong bestfriend ko sir,pagka out sa production pumapasok agad dito sa office.Sabi ko nga sa chemist sir gumawa sila ng produktong nakakatahimik ng bunganga para tahimik naman dito sa companya.Bunganga pa lang ni Brianna nakakabingi na."
Tumawa nalang ako sa secretary ko dito at sa kaibigan nitong bakla.Bumalik ako sa loob ng office ko dito at sumandal saglit sa swivel chair.Nakita ko ang mga pictures ni Jia na nakasabit sa wall,talagang kinabit ng mommy daw niya dito mula noong baby pa hanggang 10 years old lang dahil namatay na ito ng sampung taon pa lamang si Jia.Ang cute niya at ang ganda,siguro pagbalik ni Jia may sasabit na dito ng bagong picture niya.Alagaan ko lang muna itong magiging office mo Jia at pagdating mo babalik na din ako sa trabaho ko sa hotel.Nakakalungkot,sana magising kana at hindi nagka amnesia.Pero kakalimutan mo lang ang masasamang alaala mo dito sa pagbalik mo.Inayos ko na ang gamit ko at lumabas na ng opisina,dumaan muna ako sa production.Busy ang mga ito dahil may hinahabol na target,order na dadalhin sa ibang bansa.Ganun ka sikat ang J.A cosmetics dahil maraming orders na dadalhin sa iba't ibang panig ng mundo.
"Good afternoon sir Erros."Good afternoon,patapos na po ba iyan?"Yes sir,kakabigay lang ng q.a department at ilalabas na 'yan para ideliver."Bakit ang dami?"Powder at foundation lang 'yan sir 20 boxes para lang sa stock ng watsons,lahat ng watsons dito sa Pilipinas."Sino ang incharge dito ngayon?"yong bagong pasok na supervisor po pang midshift."Sa quality assurance ba may manager na naka duty?"Hindi ko lang po alam kung dumating na si ma'm Dianne sir,siya din po manager ngayon sa buong midshift e."Okey kakausapin ko siya,pakisabi pagdating niya pumunta sa office ko."Yes sir."Salamat.
"Whoa,kinabahan ako doon ah."Bakit Rhain?"Ang gwapo kasi saka napaka pormal makipag usap."Rhain alam mo bagay kayo."Bruha,manahimik ka nga d'yan inspector lang ako dito at CEO 'yon."Bakit wala namang masama ah,malay mo mainlove sa'yo binata pa naman daw 'yon."Manahimik kayo,baka nga engaged na 'yan kay maam Jia e kaya siya ang pinag iwanan nitong kompanya."Kung sa bagay."Hindi pa natin nakita si maam Jia ah,yong picture lang niya sa lounge na nakadikit sa malaking frame.Sampung taon lalang daw s'ya sa picture na iyon."Ang ganda niya noh,lalo na siguro ngayon dalaga na s'ya.Kumusta na kaya siya?"Sana nakaligtas siya sa pagbaril sa kanya ni Sir Jackson."Wait si maam Diana puntahan ko lang."Sige Rhain,para makausap na siya ni Sir Erros.
"Maam Diana,galing dito si sir Erros pinapatawag kayo sa office niya."O...ok pupunta na ako doon,salamat."
"Pasok,.."Sir pinapatawag nyo daw po ako?"May itatanong lang ako, iyong idedeliver ba na nakalagay sa kahon ay naka ayos mabuti? at seperate ang bawat products?"Yes sir,by box po sila baka kasi mabasag pagsama samahin.Bakit po?"Hindi kasi pantay.Bukas magstay ako sa production mag oobserve ako.Ayaw ko makakita ng hindi maganda sa mga mata ko,pakisabihan nalang ang mga tao mo Dianna dahil kanina nagtatrabaho sila nagdadaldalan.Diba maya time naman sila para magdaldalan?"opo may break sila na 1 hour pero hinati nila into 2 tag 30 mins.para sa lunch at meryenda nila."Okay,pakisabihan nalang sila Para aware sila bukas."Ok po."Makakalabas kana at bukas pala magapapa tawag ako ng meeting lahat dapat na empleyado dito ay aattend.Iyon lang.
Hindi ko alam bakit bigla uminit ang ulo ko sa mga tao sa production kanina na nagdadaldalan oras ng trabaho.Kinuha ko na ang gamit ko para makauwe na.Dumiretso ako sa condo ni Ethan dahil tahimik ang mansyon at puro katulong lang ang nandoon.