Hindi,hindi maari ito.Kuya saan kana ba?"Sinusundan ko ang kotseng itim kung saan nila dadalhin si Alexandra,ngunit nagulat na lamang ako ng biglang bumukas ang pinto at tumalon ang babaeng nagpapatibok muli ng aking puso.Kasabay ng isang putok ng baril at tinamaan siya sa likod.Sakto naman na malapit na ako sa kotse.Agad nitong pinaharurut ng mabilis at iniwan ang walang malay na dalaga.
"Alexandra gising,dadalhin kita sa hospital!Kumapit ka lang."Ethan,si daddy gusto ko makausap ang daddy."Dalhin muna kita sa hospital ok.
Pumikit na lamang siya at tinawagan ko na si auntie para matawagan si tito Alejandro.Pagdating ng hospital ay agad na inasikaso ng mga nurse at doctor ang walang malay na babae.Sakto namang pagdating ni kuya.
"Where is she?"Kuya natatakot ako,may tama siya ng bala sa likod at mukhang sa may lungs niya ito.Nauntog din ang ulo niya sa semento na kalsada."Bahala na ang mga doctor sa kanya,ang magagawa lang natin ngayon ay magdasal."Kuya sila auntie bakit hindi sumasagot?"Papunta na daw sila sa akin tumawag.Bahala kana muna dito may aasikasuhin lang ako.
Hindi ko matiis na hindi silipin si Jia,alam na kaya ni Ethan na si Jia na...Huwag na,hindi nya pa sana malalaman.
"Philip nasundan mo ba ang kotse na sinasakyan ni mr.Jackson?"Oo Erros at may hide out sila dito sa Tagaytay."Pakitext nalang ng exact address at magpapadala na ako ng mga pulis d'yan."Sige pare.
Walang anu-anu ay naisend na ni Phillip ang address ng kriminal na 'yon.Nakita kong lumabas na ang doctor na nag aasikaso kay Jia at kausap na ni Ethan.Nakita ko sa kapatid ko ang sobrang pag alala.Ngayon ko lang siya nakita na ganito.
"Basta mr.Sandoval nasa cretical na condition si Jia at hindi alam kong kailan siya magigising.Pwede na na siyang ilipat sa private room n'ya."Sige doc,salamat!"Ethan,magigising din si Jia."Erros,Ethan kumusta si Jia?"Auntie,bakit hindi ninyo kasama si tito Alejandro?"Hindi kami magkasabay pero papunta na daw s'ya..Ito na pala."Kumusta,nasaan ang anak ko?"Tito huminahon lang kayo,nasa cretical na condition s'ya at...at hindi alam kung kailan siya magigising."Diyos ko ang anak ko,ang kawawa kong anak."Tito nakita na ang hide out ni mr.Jackson at nagapadala na ako ng mga pulis doon."Saan siya Erros,pupuntahan ko s'ya.Papatayin ko s'ya sa ginawa niya sa anak ko."Alejandro maghunos dili ka,huwag mo ilagay sa kamay mo ang batas.Mga pulis na ang bahala sa kanya,mabubulok siya sa bilangguan.
Nailipat na sa kwarto niya si Jia,si Ethan mismo ang pumili ng kwarto para sa babae.Bumili ng mga prutas at pagkain para sa dalaga kahit hindi pabito nagigising.Kinakausap at kinakantahan pa.Lumabas na ako ng silid na iyon at iniwan ko na silang tatlo para mag alaga kay Jia.Pumunta ako ng police station para makausap ang kriminal.Hindi ko man lang napansin na sumunod pala si tito Alejandro sa akin.
"Tito bakit po kayo sumunod,magtaka ang mga tao pagnakita kayo."Panahon na para malaman ng mga tao ang pinag gagawa niya.Hindi pwedeng magtago nalang ako Erros."Walang hiya ka Jackson,nag aagaw buhay ngayon ang anak ko!"Oy nandito pala ang kakambal ko."Hindi mo ako kakambal impustor ka!Ito ang para sa'yo."Tito tama na,tama na yang suntok na ibinigay mo sa kanya."Sige lang Alejandro,saktan mo ako kung gusto mo.Talagang may sa pusa ang buhay mo ano?Alam mo lulungkot din ang buhay mo dahil wala ka ng asawa,mawawala pa ang anak mo!"Hayop ka! Pinsan kitang buo,itinuring kitang kapatid pero ano ang ginawa mo sa pamilya ko!"Wala,una ko lang namang pinatay ang mahal na mahal kong babae dahil hindi ko naman nakuha ang loob niya kahit kamukha na kita.Nahalata siguro,iniwan ba naman pala lahat ng ari-arian at business sa anak mo.Yong anak mo naman matigas ang ulo,lumayas sa mansyon at pinakidnap ko na para mapirmahan niya ang mga negosyo at malipat sa akin,aba'y ang tapang nakatakas pa.Ano ngayon ang napala n'ya?"Hayop ka talaga,mamamtay tao ka!Ang dapat sayo masusunog na sa impyerno!"Aba,hindi ba pwede dito muna sa kulungan?"Tito Alejandro,tama na mga pulis na ang bahala sa kanya."Mabuti pa itong lalaking kasama mo.Pasinsya kana mr.Sandoval,iyong deal natin ha na kasosyo ako sa hotel na itatayo sa China oras na makita si Jia,kaso mukhang mamatay na yong anak anakan ko e."Baliw! Mabubulok kana dito sa kulungan."Ow,pati ba naman ikaw galit sa akin? Magpapartner pa naman tayo,sige ka hindi ko na sasabihin sa anak ko ang napag usapan natin."Wala nang mangyayaring partnership mr.Jackson,dahil nakita na ang totoong may ari at ang daddy niya!"Baliw ka na Jackson,nasisiraan kana,pagbabayaran mo ang ginawa mo sa asawa at anak ko!
Nakita kong galit na galit si tito Alejandro,pinalabas muna kami ng mga pulis baka anu pa ang gagawin nito sa salarin.Nagsampa siya ng panghabang buhay na pagkakulong.Ang abogado na niya ang nag asikaso ng lahat.Biglang tumawag si Ethan kaya napabalik kami sa hospital.Gusto daw makausap ng doctor si tito Alejandro.
"Sir nanghihina na ang katawan ni Jia,parang gusto na niyang bumitaw.Matindi yong tama ng baril at kailangan maoperahan agad ito."Gawin nyo ang lahat doc,mabuhay lang ang anak ko."Sige mr.Gonzalez pero kailangan ninyo pirmahan ang waiver na ito.Para kung anu man ang mangyari sa pasyente walang pananagutan ang hospital.Sobrang hina na ng katawan niya."Sige doc,kumilos na kayo now na!kailangan gumaling ng anak ko.Matagal ko siyang hindi na kasama."Tito be strong kaya ni Jia ang lahat ng ito.Auntie si Ethan?"Kanina pa wala dito Erros,pagkatawag sayo kanina,umalis din.Hindi ko alam kung saan pumunta."Alam ko na kung saan auntie,maiwan ko po muna kayo.
""Tama nga ako,nandito siya sa chapel.Mahal na mahal niya talaga si Jia,Lord buhayin nyo lang po ang babaeng mahal ng kapatid ko.Ako na naman ang magpa ubaya para sa kanya.Dahil noon nagoaubaya din siya para sa kaligayahan ko.Na hindi niya alam kontra sa loob ko ang pagpupumilit ni auntie na makasal sa ank ng bestfriend niyang congressman.Kayo na din po siguro gumawa ng paraan para hindi kami magkatuluyan ni Yvone.Tanggap ko na po na ang lahat at wala akong galit kay Yvone,masaya pa nga ako dahil nahanap niya ang taong magpapasaya sa kanya.Mahal ko na din po ang babaeng nag aagaw buhay ngayon.Alam kong sa una ko palang siyang nakita ay siya na ang the one kahit hindi pa kami naghiwalay ni Yvone noon.Pero alang alang sa bunso kong kapatid magpaparaya ako,buhayin nyo lang po s'ya."
Hindi ko na pala namalayan na tumutulo na ang luha ko sa dasal ko at nakatingin sa akin ang kapatid ko."Seryoso ka yata kuya sa dinadasal mo?"Oo,naawa ako sa mag ama.Ngayon lang ulit sila nagkita at ganito pa ang nangyari."Kuya mabubuhay kaya si Alexandra?"Magtiwala lang tayo kay Bro,siya na bahala.Tara kain muna tayo kahapon kapa hindi kumakain sabi ni Auntie."Wala akong gana,hintayin mo muna ang resulta ng operasyon.Tara puntahan natin si Alexandra mo kung ok na ba s'ya."Alexandra ko talaga kuya?"Oo,kita naman e sa mga kilos mo at pag alala mo."Kuya bakit anong nangyari?Bakit nagkakagulo sila?"auntie bakit?"Dadalhin si Jia sa amerika ngayon din.
Halos hindi na kumilos ang kapatid ko sa kinatatayu-an niya.Pati ako ay hindi rin makagalaw.