Chapter 4

1201 Words
"Ow,busy?breaktime na Alexandra bakit nagtatrabaho ka parin d'yan? "Mas masarap magtrabaho ng walang ingay na maririnig at saka hindi ako gutom.Mauna kana France. "Jia naman eh,mula noong naging husy ka sa exhibit mukhang nasanay kana na hindi ako kasama,bff ba kita? "Hindi ka ba nagsasawa na kasama ako Francine?High School pa lang tayo magkasama na.Noong College naman ang gusto kong kurso yon din kinuha mo. "Bakit nagsasawa kana ba sa akin?Nakakatampo kana ha. "Joke lang,halika na nga.Mababaliw ako sayo. "Yes!!!may kasabay na ako kumain. "Excuse me Jia,may naghahanap sayo sa labas. "Sino daw Bern? "Boyfriend mo daw. "Ha!bakit hindi ko alam na may boyfriend kana Jia. "Manahimik ka nga Francine,wala akong boyfriend.Wait lang puntahan ko muna,mauna kana sa kanten. "Samahan na kita baka makalibre ako dyan. "Loka ka talaga! "Sige Bernie,thank you! "Ay iba ka girl,ang pogi O..Hindi ko alam na may kakilala ka pala ganyan ka gwapo. "Ethan,bakit napadalaw ka? "Diba sabi ko treat kita kaya tara na.Siguro naman lunch time mo na. "Ahm,sabi ko sayo ok lang e.Saka busy ako 15 mins.lang lunch break ko ngayon. "Maniwala ka dyan pogi,1 hr.break namin ngayon kaya sasama sayo iyan. "France naman e. "Sige na sama kana,by the way i'm Francine,bff nya. "Hi Francine nice to meet you. "Me too!Mauna na ako ha,enjoy sa meal nyo. "Sige tara na." Jia,naiilang ka ba? "H..hindi ano kasi first time ko na sumama sa lalaki para kumain. "Ow,really?wow,talaga ha ako ang una you mean hindi mo pa naranasan makipagdate? "Ang ingay mo naman masyado ka nagpapahalata. "Sorry nagulat lang ako,ilang taon kana ba? "23 na ako at tama ka never pa ako nakipagdate. "So boyfriend wala pa din. "Nope. "Wah...available naman ako,sabi ko sayo destiny tayo e. "Ayan ka na naman sa destiny mo. "Okay lang ba na ligawan kita Jia? "Pag isipan ko. "Order kana mahal na binibini. Umorder ako ng pagkain,nahiya naman ako kay Ethan,masaya siyang kasama at laging nakakahanap ng way para mapatawa ka.Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakatagpo ng lalake na ganito ka cool kasama.Masayahin at parang walang problema.Natapos kami maglunch at hinatid nya na ako pabalik sa opisina,lagi daw niya ako puntahan para sabay kami kumain habang nandito pa s'ya sa Pilipinas.Pagkahatid sa akin ay dumiretso na din siya sa pinapasukan niyang opisina na malapit lang daw dito sa building na pinag tatrabahuan ko kaya everyday daw kami magkikita. "Jia,galing mo naman kailan mo na meet yon? "Bago pa lang siguro isang linggo na din. "Talaga, saan yon nagtatrabaho? "Malapit lang daw dito,paintor yon hawak ang oras kaya anytime pwedeng susulpot sulpot lang. "Kainggit ka naman may suitor kana. "Hoy,hindi yon nanliligaw,nakipagkaibigan lang. "Iyan din patunguhan nyan,pustahan tayo manliligaw 'yon sayo. "Ewan ko sayo,dami mo alam! "Talaga kasi nakailang boyfriend na ako noh. "Yabang mo Francine,ikaw na maganda. "I know frienny,kaya nga nagkakadarapa ang boys sa akin e. Maganda din si Francine,para siyang si Venus Raj.Nakakaaliw at mabait. "Hindi ko nga alam paano kami naging bff ang umpisa nagkahiyaan pa kami ng halos sumasabay na kami sa pagkain at buntot na ng buntot sa akin.High School kami noon at magkaklase na mula high school at college. "Hoy ano nag eemo kana naman diyan! "Anong emo? "Emotera! Basta girl pag may manligaw sayo huwag mo kalimutang sabihin sa akin ha. "Oo na,alam kong uukrayin mo na naman ako! "Bakit may na ukray na ba ako? "Oo dati si...hindi ko na maalala. "Ay oo noong high School tayo paano uhugin pa nga nanliligaw na sayo. "Ikaw talaga,naalala mo pa yon. "Oo noh,at umpisa non wala nang lumalapit sayo kasi puro ka iwas.Matanda kana day,magboyfriend kana,para pag wala ako hindi ka mag- iisa noh. "Opo mom,susundin ko na ang payo mo. "Mom ka dyan,ate nalang total 1 year lang ang tanda ko sayo. ----- "Ethan ang saya mo ah! "Halata ba Kent? "Oo kanina kapa pangiti ngiti d'yan eh. "Maging close na kami.. "Sino? "Bago kong nakilala. "Babae?"Oo naman noh,saka kakaiba siya."Oy mukhang may napupusu-an nanaman ang kaibigan ko.Wala na ba dyan si Yvone? "Wala na Kent,naka move- on na ako sa kanya.Sana ito na,si Jia na. "Happy for you Ethan."Thank you pare. "Ano na Carlos,nahanap mo na ba ang pinapahanap ko? "Opo Sir Jackson nagtatrabaho si seπorita Jia sa isang government building sa Quezon city. "Nandito lang pala ang anak ko,akala ko nasa Amerika s'ya. "Anong gagawin ko po sa kanya? "Subaybayan mo lang,maghintay ka nalang sa ipagagawa ko sayo. "Sige po,nandito lang naman ako sa Quezon City sir. Kailangan na kita maibalik dito anak,dahil sayang ang partnership ng mga Sandoval."Bakit kasi sayo lahat iniwan ni Alexa ang kayamanan n'ya,wala man lang ibinigay sa akin.Asawa naman niya ako,kung ang pagkakamali ko at pagkababaero ang dahilan hindi naman sapat na dahilan iyon.. "Don Jackson,may tawag po kayo sa phone. "Sige manang,salamat. "Hello? "Jackson kumusta na? "Kumusta ang buhay na inagaw mo sa akin? "Sino ito? "Ako ito ang taong dyan dapat sa kinalalagyan mo ngayon! "Sino? "Si Alejandro Gonzalez! "Bu...buhay kapa? "Oo at maghihiganti ako sa lahat ng ginawa mo sa pamilya ko! "Hahaha nagpapatawa ka ba?Ano ba ang ipinagmamayabang mo?Hoy Alejandro,hawak ko sa leeg ang ank mo!at wala na ang asawa mo matagal nang patay. "Dahil pinatay mo sa akala mo may makukuha ka! "Ano ang ibig mong sabihin? "Sinusundan kita at ako mismo ang nagdala kay Alexa sa hospital ng araw na iyon,hayop ka!Sinira mo ang pamilya ko,magpinsan tayo at pinagkatiwalaan kita!Ginaya mo ang mukha ko at nagkunwari kang ako. "Pero alam kong alam ni Alexa 'yon at naramdaman niyang hindi ako ang kasama niya."Oras na mahanap ko si Alexandra ikekwento ko ang lahat sa kanya.Dahil kawawa ang anak ko na sinisisi mo sa pagkamatay ng ina niya.May araw ka din sa akin! Paano nabuhay iyon?Sa ulo ko siya binaril noon.Hi...hindi..hindi!!! "Sir,may problema po ba?"Ewanan nyo muna ako! Alejandro Pov.... Araw na ng paniningil ko sayo Jackson,hindi pwede na magkahiwalay pa kami ng anak ko oras na mahanap ko s'ya.Kunyari ka pa noon na may problema sa site kaya hating gabi bumyahe tayo para lang mapuntahan ang site na pinagawa ko,iyon pala tatapusin mo ang buhay ko.Mabuti nalang at may nakakita sa akin sa bangin upang mailigtas ako.Kaya ako naman ngayon,magsaya ka lang sa kung ano ang mayro'n ka imbes na anak ko dapat ang nandyan sa pwesto mo. "Hello, Carlos? "Sir Alejandro sinabi ko na kay sir Jackson na nahanap ko na si senyorita Alexandra. "Okay lang Carlo,basta bantayan mo lang ang anak ko.Oras na may gagawin s'ya magtutuos na kami. "Sige po sir. Erros Pov Gabi na ng makauwe ako ng bahay,nadatnan kong may kausap si auntie,hindi ko naman sindyang marinig kung sino ang kausap niya. "Alejandro alam kong gusto mo nang maghiganti sa kanya pero pag isipan mo muna,hindi mo pa nahanap ang anak mo.Paano kung maunahan ka n'ya.Alalahanin mo,ako ang tumulong sayo,bakit pina- alam mo agad na buhay ka.Delikado ka ngayon niyan. "Ok lang ako Anelia,kailangan ko na s'yang harapin. "Ikaw ang bahala basta nandito lang ako,mag iingat ka d'yan.Bye! "Auntie?"Sinong kausap mo? "Ka...kanina ka pa ba dyan? "Opo at narinig ko lahat! "I..isang kaibigan,hindi ko pa masabi ngayon Erros,basta sasabihin ko din ok? Naniniwala naman ako sa auntie ko,alam kong may mabuti siyang puso at matulungin pero mukhang nasa panganib yong taong kausap niya..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD