Nagpaalam ako kay auntie napuntahan ang bagong branch namin sa Bagiuo,niyaya ko si Yvone para makapagbakasyon din doon at makita niya ang bago naming hotel.Pero deadma ang dami daw niyang gagawin.Alam ko din na hindi sasama 'yon dahil lagi naman sila sa Bagiuo nagbabakasyon.Sakay ng sasakyan ay naisipan kong dumaan sa paborito kong bakery at bumuli ng ensaymada at maliit na cake para hindi na ako baba pag nagutom.Sakto naman na tumawag si Ethan.
"Hello napatawag ka yata?
"Kuya may gagawin kaba ngayon?
"On the way ako pa Bagiuo,bakit?
"Ganun ba,may kailangan sana ako sa'yo.
"Anu naman?
"Pagbalik mo nalang,ilang days ka doon?
"Tatlo lang,habang hindi pa busy dito.Gusto mo bang sumama?
"Hindi,may project akong gagawin eh.
"Ok,sige kita nalang tayo pagbalik ko.Bye!
"What?sir naman,parang ayaw nyo na yata ako makita dito ah.
"Jia ikaw lang kasi ang pwede kong maasahan pagdating sa mga events na ganito.
"Sir ang layo non,Bagiuo?
"Ano ayaw mo,sabihin mo lang.
"Gusto pero..Sige na nga tatlong araw lang naman.
"Maayos na ang tuluyan mo doon pati pagkain libre na sa tatlong araw.
"Kailan po ba?
"Ngayon na kaya ayusin mo na agad ang gamit mo.
"Hala,bakit ngayon agad?diba sir sabi ko kung may puntahan na ganito kalayo just inform me pag malayo pa gaganapin?
"Ngayon kasi ang sabi ni minister kaya kailangan nandoon kana mamayang hapon.
"Ok po,mag aayos na ako ng gamit.
"Good Jia,sabi ko na nga ba hindi ka maka hindi sa akin.
"Kung pwede nga lang,kung hindi lang ikaw ang tumanggap sa akin dito e,baka puro na ako ayaw sayo.
Hindi ko naman ma hindi an ang boss ko dahil trabaho naman ito.Sakay ng kotse ko ay dumaan muna ako ng bakeshop para bumili ng makain.Kailangan before 3 oclock nandoon na para maka attend sa meeting.Duh...ang hirap ng maraming boss.
"Good afternoon maam,order nyo po?
"Ah sir yong order po ninyo ready na.
"Salamat miss,ito ang bayad.Oy,hi kumusta?nagkita tayo ulit.
"Ok lang naman.Ahm miss, anim na ensaymada, wilkins 1L tatlo at ..iyan lang.
"Ok po maam,wait for a moment.
"Ako na magbabayad hindi mo tinanggap noon ang bayad ko eh.
"Ok lang mr..
"Erros nalang..
"Ok lang Erros..mukhang ang dami mo pinambili ah.
"Takot lang magutom.
"Ah,ok..
"Maam,545 po lahat.
"Ito miss bayad n'ya.
"Ako na may pambayad naman ako.
"Ako na dahil may utang pa ako sayo.
"Mukhang dito kayo pinagtagpo lagi maam at sir ah..
"Nagkataon lang miss.
"Thank you sa pagbayad Erros.Mauna na ako.
"Miss keep the change nalang...
"Jia saan punta mo?
"Malayo ang puntahan ko.Dahan-dahan ka lang sa paglakad Erros,bakit mo ba ako hinahabol?
"Wa..wala ka...kasi may kulang pa akong babayaran sayo.
"Ok na yon saka sapat na,na ikaw nagbayad nito.Mauna na ako ha..
Iniwan na nga niya ako at mabilis na pinaandar ang kotse niya,sumusunod lang ako sa kanya at ang way na dinadaanan niya ay ganun din ang daanan ko.Nang makalayo na kami ay nahalata yata niya na sumusunod ako sa kanya.Kaya bigla nalang niya binilisan ang takbo ng sasakyan niya.Kababaeng tao kaskasero ah,Saan kaya ang punta ng babaeng ito.
"Bahala ka nga,akala mo naman sinusundan s'ya.Bagiuo ang puntahan ko.Pero bakit parang Bagiuo din ang way niya ah.Nang hindi nagtagal ay nawala siya sa paningin ko,talagang binilisan ang takbo ng sasakyan niya.
Lokong Erros 'yon ah,sinusundan pa ba niya ako?
"Hindi ko na s'ya nakikita,baka ibang way naman ang pinuntahan n'ya.Napansin ko ata itong itim na kotseng ito,nakipag habulan din sa akin ito ah.Ayon nag overtake na,pero bakit tumigil?Bakit niya ako pinapara?
"May kailangan ka po mr.?
"Maam,ikaw ba si Jia Alexandra Gonzalez?
"Opo,bakit ninyo ako kilala?
"Maam,pabor lang po ang hihingiin ko sainyo.
"Sumama nalang po kayo sa akin para hindi po kayo mapahamak.
"Naku sir,hindi pwede,anong mapahamak pinagsasabi ninyo?
"Wala po akong kaaway.
"Maam hindi nyo po sana masamain,tinutulungan ko lang po kayo.
"Sir,may hinahabol pa po akong meeting baka hindi ko na po maabutan.
"Senyorita Jia,hindi mo na ba ako matandaan?Ako ito ang dati ninyong guard sa mansyon!maniwala kayo pinapahanap ka ng daddy mo para ipaligpit.
"Si daddy Jackson?paano niya gagawin iyon e anak niya ako.
"Senyorita,bata kapa noon e ang hirap magpaliwanag.May taong gustong makipag-usap sayo.
"Sumama kana,delikado sa daan na ito.
"Saan mo s'ya dadalhin?
"Erros,salamat at huminto ka.
"Anong mayro'n dito?
"Senyorita basta mag-ingat ka...
"Senyorita?
"Hi...hindi ko s'ya kilala.Nagulat ako ng bigla siyang humarang at kinatok ang bintana ng kotse ko.
"Delekado dito,kaya mo pa ba magdrive?nanginginig ka.Ganito nalang,maghanap tayo ng mapag iwanan ng kotse mo.Babayaran nalang natin ang parking at sumabay ka nalang sa akin.
"Pe..pero..
"Sa Bagiuo din ang punta ko Jia,ang way mo pa Bagiuo din kaya sumabay kana lang sa akin.
"May meeting ako mamayang 3 kailangan ko umabot sa E.A hotel.
"O,tamang tama doon din ang punta ko.
"Si..sige salamat.
"Kaya mo magdrive ha,doon sa unahan may jolibee or chowking doon nalang natin iwanan ang kotse mo tapos pag-uwe natin dadaanan mo nalang.
"Si..sige.."
Nakita ko sa mukha niya na takot na takot siya,pero bakit senyorita ang tawag ng lalaki sa kanya kanina?At binabalaan siyang mag-ingat?Naipark na niya ang sasakyan niya at bumaba na ito,nakita kong kinukuha niya ang plastik bag na galing bakeshop kanina.Bumaba ako para alalayan siya.
"Kaya mo ba?Ako na muna magbayad sa parking fee for 3 days sakay kana muna sa kotse ko.
"Thank you!
Oo naalala ko na,guard siya noon sa mansyon.Kinuha siya ni mommy para magbantay.Si manong Carlo 9 years old palang ako noon.Mabait siya at lagi niya ako nilalaro noong bata,pero bakit bigla siyang nawala sa bahay noon.Mula nang namatay si mommy ay nawala din s'ya.At nag iba na si daddy,lagi na ako pinapagalitan,kunting bagay lang ay umiinit na ang ulo.Lalo na noong nag high school ako,lagi siyang wala sa bahay at kung umuwe ay lasing.Minsan napapalo pa ako ng walang dahilan.Pati yaya ko ay pinapagalitan.Kaya saktong 16 years old ako nang umalis na sa mansyon at tumayo mag-isa gamit ang pera na iniwan ni mommy sa akin.
"Ready kana?ito pala ang ticket mo just show this to them kung kunin mo na ang kotse mo.
"Salamat,Erros.
"Tara na at habulin pa natin ang meeting mo 2 hrs.pa babayahiin natin.Cellphone mo tumutunog.
"Hello sir?
"Jia i'm sorry saan kana ngayon?
"Malapit na po sa Bagiuo.
"Cancel ang meeting today and the events i move nalang daw nila next month dahil sa sobrang ginaw sa Bagiuo ngayon.Pero dahil nandyan kana at hindi ka naman busy dito,gamitin mo nalang ang 3 days, i leave mo nalang para makabakasyon ka din d'yan.
"Ganun po ba,o..ok po sir salamat.
"Cancel daw ang meeting at move ang events na gagawin.
"So paano 'yan babalik ka nalang?
"Binigyan nila ako ng leave 3 days kaya ok na din para makapag relax ako.
"Wow,mabuti kung ganun may kasama akong mag ikot sa Bagiuo.Kung ok lang sa'yo.
"Wala naman akong choice kaya,sige mabuti din at may kasama ako.
Hindi ko alam ang naramdaman ko,basta ang saya ko nang nalaman kong cancel ang trabaho niya sa Bagiuo.Tahimik lang siyang nakatingin sa labas na para bang ang lalim ng iniisip.Makilala na din kita Jia dahil magkasama tayo ngayon.Hindi ako aalis sa tabi mo hangga't hindi kita nakakausap.