"Jia dito na tayo..
"Oh,sorry nakaidlip ako.
"It's ok,mukhang pagod ka.Okay na ba pakiramdam mo?
"Yeah,salamat.
"Aayusin ko lang ang room para makapagpahinga kana.
"President Erros nandito na po pala kayo.Welcome po!
"I need a Vip room for her.
"Naku Erros kahit regular ang 3 days lang naman ako dito.
"Saka...hmm..hindi na kasi sagot ng companya e dahil cancelled ang sadya ko dito.
"Ano ka ba okey lang 'yan.Ako na bahala.
"President sorry dahil sa panahon talaga ngayon ang daming nag check-in.At ang daming gusto magtry dahil bago ito.Ang dami pong turista ngayon.
Bakit kaya kanina pa siya tinatawag na president ng empleyado dito?
"Erros ok lang i can transfer to other.
"Hindi naman pwede ang ganyan,baka wala na ring ibang hotel na bakante dahil nga sa panahon ngayon.If you don't mind pwede tayo sa room ko,malaki naman 'yon and pwede ako magpalagay ng isang kama pa.
"A...ako matutulog kasama ka sa kwarto?
Nagpapatawa kaba Erros?
"Hoy,wala namang malisya e kesa mahirapan kapa maghanap ng matuluyan mo.(Grabe naman ang babaeng ito,akala mo naman papatulan ko,ssh..Faithful to sa fiancee oy..)
"May sinasabi ka ba Erros?
"No,a..ako may sasabihin?Pumayag kana,promise wala akong gagawin sa'yo.
"Oy si president Erros.
"Hi president.
"Hello!
"Sir siya po ba ang girlfriend nyo?ang ganda,parang si Jane De Leon.
"No,hindi niya ako girlfriend!
"Ah sorry po ma'am.Excuse po!
"Erros teka nga muna,may itatanong ako sa'yo..
"Hindi ko na pinatapos magsalita si Jia agad ko siyang binuhat upang dalhin sa kwarto ko.
"Hoy Erros bitiwan mo ako,ano ba!
"No,dahil pagod na din ako gusto ko na din magpahinga.
At baka mapahamak ka pa paglalabas ka!
"Sasama na ako,bitiwan mo nalang ako please!Nandito naman tayo sa elevator bitiwan mo na ako!Alam mo bang pwede kitang kasuhan sa ginawa mong ito ha!harrassment ito!
"Sige,kasuhan mo ako,sino mapahiya sa atin?
"Ay bakit ako mahihiya aber!
"Jia ang kakasuhan mo ay may- ari ng mga E.A hotel,paano ka paniwalaan?
"Syempre paniwalaan ako dahil isa lang akong ordinaryong tao.
"Mali,sabihin nila gusto mo lang para magkapera ka at magpasikat!."Aba,lokong ito ah!Ganun ba ang tingin ninyo sa mga mahihirap ha Erros?'wag mo naman lahatin!
"Oh nagagalit kana,gusto ko lang naman na makapagpahinga na tayo pareho e.In just 3 days lang naman Jia,saka wala ng ibang matuluyan dito.Nagmamagandang loob lang naman ako ah!
"Hoy, mr.Erros Sandoval,wala kang gagawin ha.
"A.ano naman ang gagawin ko?"Isa pa tingnan mo itong sa daliri ko.I'm getting maried na kaya ayaw kong masira ako sa fiancee ko ok?Saka,Sabi ko nga kanina you are my cousin e,kaya yon ang paniwala nilang lahat dito dahil ayaw kong masira ang image ko.Dito na tayo sa room ko,sa tuwing pumupunta ako dito,ito yong favorite place ko at inangkin ko na.Tingnan mo sa labas,kita mo ang magagandang tanawin dito sa Bagiuo.
"Wow!ang ganda nga.
"Jia anu nga pala real name mo?
"Jia Gonzales.Ikaw?
"Erros Alexander Sandoval.
"Ah,kaya pala E.A hotel,sayo pala?
"Iniwan lang ng namantay kong mga magulang.Hindi lang naman sa akin ang mga E.A dahil may kapatid akong E.A din si Ethan,you know him already.
"What?ka...kapatid mo si Ethan?
"Oo kaso mas gusto niya malaya s'ya,yong walang iniisip,gusto niya normal life lang 'yong tipong after ng work niya,uuwe na agad ng bahay.Unlike me,parang wala ng pahinga.
"Erros tayo kasing mga tao ay may kanya kanyang kapalaran nasa sa'yo naman yan if sundin mo kung ano talaga ang gusto mo sa buhay.
."Wala naman kasi akong choice Jia,lumaki kami sa auntie naming matandang dalaga at ako ang pinagkatiwalaan niya sa lahat.
"Hirap pala ng buhay mo,hindi bale mag-aasawa kana may mag aalaga na sa'yo at may katuwang kana sa buhay.Siguro mabait kang tao dahil hindi ka makahindi sa auntie mo.At focus ka sa trabaho mo,hindi ka naman siguro kagaya ng iniisip ko.
"Anong iniisip mo?
"I mean hindi dumating sa point na pati pag aasawa mo auntie mo ang pumipili or namili.
"Parang ganun nga Jia,siya yong pumili dahil anak ng may katungkulan sa ating bansa ang gusto niya for me para maging kilala pa kami sa larangan ng pagnenegosyo.
"Pero gusto mo naman ba ang babae?
"Oo mahal ko na din naman s'ya,kahit..kahit lagi siyang busy sa personal life niya.
"Pero bakit parang hindi ka masaya?
"Jia ganyan ka ba talaga ka mausisa?
"Ay,sorry alam mo kasi Erros,pag nakagaanan ko ng loob masyado na akong madaldal e,pasinsya na.
"Mag oorder muna ako ng dinner natin or like mo lumabas para makita mo ang ambiance.
"Bukas nalang,dito nalang tayo kumain.
"Iyan din ang gusto ko at ipahanda ko na ang isang kama para dito.
"Huwag na kahit sa sahig nalang ako,comforters nalang may extra ka siguro d'yan pwede na isapin.
"Mayroon naman,ako nalang sa sahig ikaw na sa kama.
"Ok lang sayo ha baka magtatampo ka.
"Ikaw talaga.Akala ko Jia tahimik ka.
"Ako?porket tinulugan kita sa kotse mo kanina tahimik na.Alam mo sa trabaho namin sa civil government walang tahimik lalo na't naasign ako lagi sa mga events.
"Oo nga naman bakit hindi ko 'yan naisip.
"How about you Jia,magkwento ka naman about your life.
"Alam mo Erros,masyadong private ang buhay ko,ayaw ko din kasi ng gulo pero dahil sa trabaho namin naging kilala din kami.Nakakasawa din pala,pagsikat ka kasi puro nalang bukambibig ng tao pag nakita ka..(.Si Jia ba 'yan ang ganda pala talaga niya sa personal noh?)Diba nakakasawa,puro nalang maganda,maganda ang sinasabi.oh,bakit tumatawa ka d'yan,wag mong sabihin hindi totoo!
"Wala natawa lang ako dahil ang daldal mo.Sa totoo lang kasi ayaw ko ng madaldal na tao,pero iba ka kasi napapatawa mo ako.
"Siguro napakaseryoso mong tao Erros,huwag ganun dapat marunong ka din magpatawa para matuwa ang mga tao na nasa palagid mo,hindi iyong takot sila sayo dahil ang serious mo na parang laging galit!
Natahimik ako sa sinabi ni Jia,dahil totoo naman lahat.Takot ang mga tao sa akin dahil madalang lang akong ngumiti.Sa edad kong 30 ay napagkamalan akong 40 na.Kahit si Yvone ay naiilang sa akin.Kaya siguro hindi niya ako sinasamahan sa mga lakad ko kahit lagi siyang may time.
"Natahimik kana diyan Erros,ito na ang food natin let's eat na.
"Ok,gutom na din ako para makapagpahinga na din tayo.
"Hmmp,ang sarap ng foods dito ha,mukhang mamimiss ko itong pagkain ninyo dito.
"Salamat naman at nagustuhan mo,basta pag may mga events ka dito sa Bagiuo dito kana mag stay,you can use this room dahil minsan lang naman ako napupunta dito if need ko lang magrelax.
"May time ka pala magrelax?
"Oo naman noh,paghindi busy sa Maynila.
"Sure ka cousin ha gagamitin ko itong room mo.
"Oo cousin,welcome ka dito.Friends na tayo ha.
"Oo naman cousin na nga kita e,kaya dapat close friends tayo.
"Panindigan na talaga natin iyang magpinsan natin Jia para welcome ka dito sa kwarto ko.
"Loko,ngayon lang oy para wala kang gawin sa akin.Joke lang po President Erros.Magshower na ako at magtoothbrush ha para masarap ang tulog.
"Sige at may tatawagan lang ako.
Pumasok na ako sa cr at nagshower na namangha ako sa laki nito.Kahit ang kwarto niya ay ang laki,hindi ako makapaniwala na may kasama ako sa kwarto ngayon at lalaki pa.Dinadaan ko lang sa kwento kanina pero naiilang ako.Paano ba naman presidente ng E.A ang kasama ko at ang gwapo pala sa personal.Naku,pagnalaman ni Francine ito patay ako sa bff ko.Natigil ako sa pag-iisip ng may kumatok.
"Jia,labas lang ako saglit may aasikasuhin langbako sa baba.
"O..ok Erros."
Nagpaalam pa talaga,hay Jia anu ba ang nangyayari sayo mula kanina siya na ang nasa isip mo.Ikakasal na yong tao.Ngayon pa ako nagkaganito,bakit biglaan nakaharap ko lang at nakakwentuhan may naramdaman agad?Hindi pwede ito Jia,mag-isip ka ng iba hindi s'ya.Nang naisip ko nga ang iba ang nangyari kanina na sinabi sa akin ni Mang Carlos,si...si daddy daw ipapatay ako?
"Hindi siya ganun,kailangan kong umuwe sa bahay at kausapin si daddy.Almost 9 years na din na hindi kami nagkita dahil pinapabayaan n'ya lang ako.Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako at nagpatuyo ng buhok.Natagalan sa pagbalik si Erros kaya naisipan ko nalang humiga na baka matindi ang aayusin niya sa baba.
Pagkatapos namin mag-usap ni Yvone kanina ay bumaba ako para uminom ng konti dito sa bar,nakaramdam ako ng sama ng loob sa sinabi niyang nasa Palawan siya kasama ang mga barkada niya ngoong college at nandoon din si Philip ang ex niya.Wala naman sana sa akin iyon dahil nag eenjoy lang siya pero iyong kasama niya ang iniiyakan niya noon?Bumalik na ako sa kwarto ko para makapagpahinga na sabay hubad ng tshirt at pantalon,Suot ang boxer short ng maalala kong may kasama pala ako sa kwarto.Tulog na si Jia napagod siguro.Nagshower nalang ako at nagtoothbrush.Pagkatapos magbihis ay humiga na.Gaya ng napag -usapan ay sa sahig ako.Nagulat ako ng nagsalita si Jia..
"Ang tagal mo naman sa baba may problema ba?
"Wala naman,uminom lang ng konti.
"Alam mo kung ano man iyang problema mo,pwede mo ikwento sa akin.Malihim naman ako e at mapagkatiwalaan,dito kana matulog sa taas share nalang tayo dito sa kama.Malaki naman at harangan lang natin sa gitna.
"Sure ka?
"Oo saka ang lamig ngayon tapos andyan kapa sa sahig,masyado na kitang inaapi niyan.
"Mabuti alam mo.
"Oy,mabait ako Erros ha,halika na dito."
Agad akong umakyat sa kama at nahiga kaso may harang ang gitna namin.Napangiti ako ng pumikit na si Jia..Dala siguro ng sobrang antok...Tinitigan ko amg maganda nitong mukha,maninipis na labi,matangos na ilong at magandang mga mata.Mahahaba ang pilik mata nito.Tama sila kahawig niya ang hugis ng mukha ni Jane De Leon.Matangkad lang ito at medyo slim.Mapuputing balat na mapagkamalan mong nagmula sa mayaman...Haist...What happened to me,i have Yvone na..Pero nagtatampo ako sa kanya..