6 YEARS AGO
"Tesa!" Kasabay ng pag
buhos ng malakas na ulan ang pag
patak ng mga luha ni tesa habang
tumatakbo palayo.
"Tulong! Tulungan nyoko pakiusap!"
sigaw ng dalagita.
"Tulong!" kahit alam nitong walang may
makakarinig sa kanya sa gitna ng
madilim na daan ay hindi ito nawalan ng
pag asa.
"Tesa! Wag ka ng tumangkang tumakas
pa!! ng makalapit agad na hinablot si
tesa kasabay nun ang
isang malakas na pag sampal.
"Please! Tim, no. Pleasee" nanginginig at
nagmamakaawang sambit at
nanginginig
pa buhat ng takot at lamig sa bawat
dampi ng hangin sa kanyang balat.
itinulak sya nito at agad na pinatungan.
"Kung hindi ka magiging akin tesa, hindi
ka rin magiging kanya!"
hinawakan nito ang dalawang kamay ng
dalaga.
"TIM!!!!!!!NOOOOOO" sa bawat
pagpupumiglas ni tesa ay tanging
sampal ang iginagawad ng lalake.
Walang magawa ang dalaga kundi ang
umiyak at mandiri sa ginagawang
kababoyan ng lalakeng pinagkatiwalaan
nya.
Hindi sya maka paniwalang binababoy
sya ng lalaking mahal na mahal nya.
Sa isang taon ng pagiging mag
kasintahan nila kailanman hnd sya nito
nagawang halikan at binastos.
Kailanman ay hindi sya nito niyaya sa
bagay na ayaw pa nyang gawin pero
bakit ngayon
para itong isang halimaw na naka
patong sa kanya at nagpapakasasa sa
katawan nya.
Lahat ng pagmamahal na meron kay
tesa noon ay biglang
naglaho at napalitan ng pandidiri.
Kinakamuhian at nagsisisi na
minahal nya ang lalake.
"Tesa " ungol ng
lalake habang patuloy paring binababoy
ang katawan nito.
Hindi maatim ni tesa na marinig ang
bawat salitang iyon kaya umipon ito ng
lakas para maka alis sa pagkakadagan
sa kanya..
Sinipa ni tesa ang pagkalalake ni tim na
dahilan ng pamimilipit nito sa sakit.
Nagkaroon ng pagkakataon si tesa
upang gumapang sa putika at
bumangon. Masakit man ang katawan
ni tesa sa bawat hakbang ay pinilit nya
paring makalayo sa lalake
"TESA!!" rinig na sigaw ng dalaga.
Hindi alam ni Tesa kung saan sya
pupunta, ang tanging alam at nasa isip
nya lamang ay ang makatakas kay Tim.
Biglang nakaramdam ng pagka hilo si
tesa. Nagpalingon-lingon ito
nagbabasakaling may makitang
kabahayan ngunit sa muling pagka bigo
ay wala itong makita. Nag desisyon si
tesa na tumakbo papunta sa
kakahuyan. Hindi pamilyar ang lugar kay
tesa kaya hnd nito alam kung saan na
ito patungo. Hnd na kita ni tesa ang
putol na kahoy at naapakan. Napahiyaw
sa sakit ang dalaga na dahilan upang
matuntun sya ng lalake.
" WAG KANG LALAPIT, P-PATAYIN
KITA!!!!" pagbabanta ni tesa kasabay ng
pagkuha ng isang bato.
Ngunit tila isang demonyo ang kausap
nito at
ngumisi lamang sa kanya. Palapit ng
palapit ang lalake kaya pa atras din ng
pa atras si tesa.
"Bakit? Anong gagawin mo sakin? Kaya
mo bang pumatay ng tao Tesa?" mariin
na tanong ni Tim.
"Wala kang magagawa tesa, pano moko
papatayin? Ni langaw nga hindi kapa
nakakapatay" tumawa ito ng payak. Sa
mga oras na iyon ay wala ng maisip
si Tesa upang makatakas pa.
Napaiyak na lamang si tesa.
"hayop ka tim!!! hayoop!!!
Dumilim ang ekpresyon
sa mukha ni tim na nakapag pa kaba sa
dalaga. "HINDI IKAW ANG TIM NA
KILALA AT MINAHAL KO. PINAGSISIHAN
KONG MINAHAL KITA!!
may pait at pagkamuhi na sigaw
ng dalaga.
Kinilabutan si tesa ng tumawa ito.
"hindi-hindi mo talaga ako kilala Tesa."
humakbang ito papalapit sa kanya na
Nagpa atras kay Tesa kaya natapilok ito
at
biglang nawalan ng balanse kaya
nagpagulong gulong ito at nahulog sa
bangin. "TESAAAA!!!!" tanging sigaw ni
tim ng makita ang dalaga na nahulog.
Tumakbo ito at sa kung saan nakatayo
ang babae. Hinanap ng mga mata nito
ang babae ngunit Walang bakas ng
Tesa ni isa. Tanging tubig ng
rumaragasang ilog lamang ang naririnig
nito. Hampas ng bawat alon sa bato at
sa kapwa alon.
"TESAAAAAA" umiiyak na sigaw ni tim.
Napasuntok sa lupa ang lalake. Umiiyak
at humahagolgol.
"Kahit kailan hinding-hindi kita
malilimutan tesa. Ikaw lang ang
babaeng minahal at mamahalin ko ng
ganito. Kung hnd ka sana lumaban hindi
mangyayare to." saad nito habang
patuloy parin sa pag iyak.
"Alam mo kung gaano kita ka mahal
tesa. Gagawin ko ang lahat para
mapasakin kalang. Kahit pumatay pako
ng tao. Akin ka
lng tesa! AKIN KA
LANG!"
PRESENT
"Hey lucy!"
"Ay Rodelio Jr!" sinamaan ako ng tingin
nito.
"f**k! Why
on earth my mom named me after my
father." rodelio
complaint and frown. Natawa ako kase
para itong isang bata.
"pinadpad ka ata ng masamang hangin
RODELIO JR.?" pantutukso
kopa dito at diniinan pa ang pangalan na
ayaw na ayaw nitong marinig. Parang
hindi maipinta ang mukha nito, pilit kong
pinigilan ang matawa. Kung
nakaka matay lang ang matatalim na
tingin siguro ay pinaglamayan na ako.
He hate being called rodelio. Ang sabi
kasi nito ay masyado pa syang bata
para tawagin sa pangalan na iyon.
"So let's cut to the chase. Why are you
here?"
Tanong ko bago pa ito mapikon sa akin.
Tinignan lamang ako nito na parang
binabasa ang iniisip ko.
Simula ng magkakilala kami ay hindi
kopa nakitang may nililigawan babae
ang lalakeng to.
Minsan ay napapaisip ako, ang daming
magagandang babae ang pina pa date
ni tito rodel sa kanya pero wala akong
nabalitaan na kahit isa ay nagkaroon ito
ng interest kaya hindi ko rin maiwasan
na isiping baka bakla ito.
" I have something to tell you Lucy."
seryosong
sabi nito sabay upo sa couch.
Agad akong kinabahan. Bumilis ang
tibok ng puso ko. I bit my lower lips
"Uhmm. W-what is it" s**t! Bakit
kinakabahan ako! "Nakita ko itong
namutla at pinag pawisan. Napalunok
ito ng ilang beses bago nag salita.
"Lucy, I-i" napisil ko ang sarili ko habang
inaantay ang sasabihin nito. "What?"
pag papatuloy ko. Tumuwid ito ng
pagkakaupo."Lucy, I, I-m gay" Nawala
ang kaba ko at tumawa ng malakas. "I
KNEW IT!!! Kaya pala wala kang
nililigawan dati at ayaw mo sa mga
babaeng bina blind-date sayo! Omy
gosh!!!" nakita ko itong napakamot sa
ulo. Sabi kona nga ba!!! Magkahalong
saya at lungkot ang nararamdaman ko.
Saya dahil finally umamim na sya at
lungkot kase matagal nakong may crush
sa kanya. Pero it does not mean i'm
deeply into him. I like him because he is
always there when i needed him the
most. .
"Lucy. It's not what you think it is. I mean
i.... i... uhm" Natatarantang
pagpapaliwanag nito. "Duh rodelio
Sakin mopa ba itatago? Eh halos 2
years na tayong magkakilala. Matagal
nako nagdududa sayo ano." pag putol ko
sa sasabihin nito. "s**t" rinig kong mura
nito. "Hahahahahahahaha hey! What's
whitt the s**t? There is no reason to get
shy rodelio. I'm your bestfriend!" i
laughed and crossed my legs while
looking at him. "Yeah" tipid nitong sagot.
"What? After you confess, bigla kang
magkakaganyan. Are you shy? Sakin pa
talaga rodelio ha." alam kong ramdam
nito na may halong inis ang
pagkakasabi ko. Tumayo ito at lumapit
sakin. "Shhhh. Sorry na. Siguro nahiya
lang ako. I'm sorry." he gently hold my
hand and smile. "Ano na plano mo?
Alam ba nila tito?" pag kukumpirma ko
kahit alam ko namang hinding-hindi nito
gagawin ang umamin kay tito. "No. And i
don't have any plans to tell them." he
stood up and go to the kitchen.
Sinundan ko naman sya. "Kung wala
kang plano aminin kina tito, ede magtiis
ka sa mga babaeng ipapa date ng papa
mo sayo" kumuha ako ng soda sa ref at
binigay ito sa kanya. He opened it and
take a sip. "That's why i'm here."
Tinignan ko lamang ito at tinaasan ng
kilay. "I need your help lucy." Tinitigan ko
syang mabuti. Kahit sinabi na nitong
bakla ito ay parang may nag sasabi
parin sakin na hindi. ininom ko ang soda
ko
at kumuha ng ubas. "I need you to
pretend as my girlfriend"
diritsahang sabi ni rodelio. Nabilaukan
naman ako ng marinig ko ang sinabi
nito. "WHAT? Are you insane?" kung
akala nya ay mapapayag nya ako it's a
big NO! NO! NO! "Look lucy, akala ni
papa kaya ayaw ko sa mga anak ng
business partners nya kase iniisip nya
na tinatago natin yung relasyon natin sa
kanila." napaisip ako sa sinabi nito.
Totoong iniisip na nila na may relasyon
kami ni Rodelio at tinatago daw namin
iyon sa kanila. Kaya lage akong
tinatanong nila tito. Hindi sa hindi nila
ako gusto para kay rodelio, kundi para
maitigil nya na ang pag foforce kay
rodelio na makipag blind date. Ang totoo
nyan ay gustong gusto ako ng pamilya
ni rodelio. "Lucy, please. Just this one"
pagmamakaawa ni Rodelio.
Nginisihan ko lamang ito at tumayo.
Maybe it's time para pasalamatan at
bayaran yung utang na loob ko kay
Rodelio. It's been already 2 years and a
half since tinulungan nyako nung
namatay yung parents ko in a car
accident at naulila ng lubos. It's hard to
accept through the years but with the
help of Rodelio, i manage to cope.
Natutunan kong mag move on. Pinaaral
ko ang sarili ko, pinakain. Nung nag
trabaho na ako sinubukan kung mag
ipon. Pero sa kasamaang palad
nasunog ang dating tinitirhan ko at
kasama lahat ng gamit ko at pati ang
ipon. Wala akong may matakbuhan na
kamag-anak namin. Before my
parents died, ang sabi lang nila sakin we
are not in good terms
with our relatives. Biglang nagsalita si
rodelio
"Please Lucyyy"
Pag pupumilit ni rodelio sakin habang
hawak hawak nya ang aking braso
sabay yogyog. Pag ako talaga nainis
makaka tikim to.
Pinanlisikan ko sya ng mga mata at
napanguso nalang ito. Kumawala ito sa
pagkaka hawak nya sa braso ko at
umupo. It looks like, pasan nya ang
mundo. Ang lungkot naman talaga kung
hindi mo magawa ang mga bagay na
gusto mong gawin
Bigla akong nakonsensya.
"Oo na tutulungan na kita! Tse"
bigla itong napa angat ng ulo
at tumingin sakin. Hindi ko mabasa
kung ano tumatakbo sa utak nitong
baklang to , naka poker face lang kase
na akala mo walang narinig. Hays.
"Kung ayaw mo ede wag!" sigaw ko
sabay aakmang sasampalin ang braso
nya ng bigla nyang hinawakan kamay ko
na tulala parin. "HOY!" i snapped my
fingers in his face. Bigla itong tumalon
talon at nag sisigaw. "YES!!!"
Sigaw ni rodelio. Hindi ko alam bakit
naging kaibigan ko ito. Minsan sobrang
childish minsan ay napaka matured din.
Well,
Rodelio is a big catch. Isipin mo,
mayaman, gwapo, malaki ang katawan,
matalino, sikat at TAGAPAG MANA NG
Hera's company. Bakla nga lang.
Rodelio is a good-looking gay indeed!
Pero ang
ipinagtataka ko, bakit hindi naman sya
nag jojowa ng lalake? At saka d ko
naman nahuhuling naglalaway sa lalake
to. Minsan nga pag nag gygym kami eh
hindi naman to nag dodrool sa mga
naka hubad na mga lalake na nag
papaunahan ata sa pagputok ang
mga abs at muscle. Hay ewan.
Nabalik ako sa realidad ng bigla nyang
inilipit ang mukha sakin. Nagulat ako at
diko sinasadyang nasampal sya ng
mahina. I heard him chucked. "We are
now boyfriend and girlfriend right? So
we need to act and do what a normal
couple-" hindi kona pinatapos ang
sasabihin nito dahil alam ko naman
iyon. Bigla akong napa isip. Nginisihan
ko ito at kinindatan.Tinaasan nya ako ng
kilay at inirapan. "Okay! Madali naman
ako kausapin."
Lahat ng tulong ko may
kapalit aba, hindi naman pwepwedeng
walang kapalit tong pagpapanggap
namin ano. I need to grab this
oppurtunity para mabawas yung
problema ko ngayon. Gipit na gipit na
kaya ako.
Ang babaeng gipit sa baklang to
kumakapit. Hahahaha. Anyways simple
lang naman yung bayad eh. " What?"
Tumayo ako lumapit sakanya.
"Okay lucy
girl! Name your price" agad naman
nitong nahulaan ang nais kong sabihin.
Napangisi ako
at saka niyakap sya. "Ikaw magbabayad
ng condo ko ha. Alam mo namang
natanggal na naman ako sa trabaho eh"
pagpapa cute ko dito saka tinignan sya
at nag peace sign. "Tss. Alam mo kung
pwede lang na hindi na tayo
magpanggap aampunin nalang kita eh.
Sge na ako na magbabayad."
Napatalon ako at napa hiyaw. Niyakap
ko sya. "Thank youuu rodelio. I love
youuu mwa". Bigla nya kong tinulak at
sinabing, "Did you take a bath?"
sabay kunway takip sa ilong
nito. Inamoy ko yung sarili ko at ang
damit kahit alam ko namang hnd pa
naman ako mabaho. Sinamaan ko pang
ito ng tingin habang ito ay tumawa lang.
"Btw, kailan natin sasabihin sa family
ko?" tanung ni rodelio. Napaisip naman
ako. "Eh bukas hindi pwede at may
interview ako dun sa
company malapit sa building ng daddy
mo." Buti nalang at naalala ko pag
nagkataong hindi naku, magugutom
ako.
"We can announce it tomorrow evening.
Hindi ka naman magdamag na
iinterviehin diba?"
Ang arte arte talaga. Hindi pwedeng sya
lang ano!
" pag-iisipan ko, kung di ako tatamadin
maligo.
Hahahahaha" Inirapan lang ako nito
tsaka may kinuha sa bag nito. "Oh sya,
ayan na yung money down. Para maka
bayad kana sa isang buwan mong
kulang." Napangiti ako at agad kinuha
ang cheque.
"Tamang tama bukas kase ng gabe may
dinner sa
bahay kasama yung investors ng
kompanya. At yung makaka merge ni
daddy. Bukas natin
iaannounce. I can make my
father happy. He will think he hit two
birds in one stone" napa tango
naman ako. Sana naman di ako tamarin
bukas mag ayos. "May susuotin kana
ba?" Tanong ni rodelio. "Mag gogown
ba? Grabe naman rodelio sobrang
elegante ba talaga ng dinner ng daddy
mo?" Pabiro kong sabi dito. "Ofcourse!
Excuse me, hindi lang yun basta dinner
okay? It's a celebration of the
succesfull merging ng
company ni daddy at ng mga Castro.
napalaki ang mga mata ko kasi naman,
gown talaga? Naka punta
naman na ako sa kanila pero never pa
yung ganitong okasyon. Family dinner
lang. Sana naman magmukha akong tao
dun baka naman mapagkamalan akong
waitress. "Don't worry i already prepared
your gown" he said it with a wink.
"What? Do
you see this coming ha rodelio?" He
ignored what i just said and called
someone on his phone. Nagulat nalang
ako ilang minuto lang ay iniluwa ng
pinto ang isang babae. His personal
assistant. Irene Perez. Ang
bilis! I was thinking if he already planned
it.
"Let's go isukat mona at ng
maka uwi nako." I wonder how he can
manage being a tone mascular man if
he's gay.
Agad kaming
nag
punta sa kwarto ko at nag sukat. Ang
gaganda ng mga gowns! Halos lahat
gusto ko suotin kung pwede nga lang
eh! Ang kaso baka mag mukha akong
clown sa party. Tumagal din ng 30
minutes yung pagsusukat sa dami ba
naman ng gowns na pina bitbit sa
personal assistant na si Irene ang
baklang to. Naku ang bigat nito sa
sobrang dami tapos si Irene talaga
pinag bibit lahat. Eh ang laki laki naman
ng katawan! Ang useless lang ng mga
muscles. Lumabas nako ng kwarto para
ipa check sa kanya yung soot kung
gown. Medyo hapit sya sa katawan ko,
maganda sya at malambot ang tela. Ang
ganda. Sa lahat ng sinukat ko ito talaga
pinaka nagustuhan ko. Backless na
kulay puti ito at kumikinang. For sure
isang buwan kong sahod ang halaga
nito. Ang yaman ba naman ng pamilya
ni Rodelio. Napatingin ako ulit sa aking
pigura sa salamin. Hindi naman sa
pagmamayabang pero i really have a
nice body, may kurba at gifted both
boobs
and butt. Thanks God, para naman
akong tao tignan make up nalang din
kulang. "You look so gorgeous Lucy!" Tili
ni Irene. Bigla naman syang
pinandilatan ng mata ni Rodelio. "Did i
ask your opinion??" Rodelio said
raising his eyebrows, Believe me or not
naging crush ko din dati si rodelio nung
una ko syang nakita. Kasi naman girl!
Hindi mo talaga mahahalatang bakla
ang isang RODELIO SEBASTIAN
CASTILLO!!! The way he will look at you,
pakiramdam mo matutunaw ka sa mga
titig nya. Yung lips nya napa ka kissable.
Yung mga muscle na akala mo puputok
sa suot nitong polo shirt. I just look at
them
while smiling. "Why RODELIO? Ikaw ba
ang kausap ko? Hindi naman right? Kaya
shut up!" Napatawa ako ng
malakas sa bangayan ng dalawa.
Minsan iniisip ko baka sila din magka
tuluyang dalawa. Sabi nga nila "The
more you hate,the more you love" Eh
halos magsaksakan ang dalawang to
Hindi na nila ako napansing naka
bihis na dahil hanggang ngayon ay
parang aso't pusa paring ang dalawa sa
pag babangayan. "Hey! Enough guys!
Baka mamaya magka inlovan kayo! Look,
Mrs. Irene Jane Perez Castillo omg!
Super bagay.
Kayo din I'm sure naman ayaw nyo sa
isa't-isa!" Panatutukso kopa sa kanila
"YUCK!" sabay na sigaw nilang dalawa
sabay irap sa isa't-isa.
"OVER MY DEAD SEXY ASS LUCY!!" irap
ni rodelio. Hindi rin nagpa talo si Irene at
nag rebutt din sabay irap.
"I"M NOT EVEN INTERESTED WITH YOU!
Mas maganda pako sayo! " Bigla naman
nagpanting ang tenga ni rodelio at
akmang magsasalita pa pero agad ko
ng pinutol dahil alam ko namang kung
hindi ko puputulin to ay baka bukas na
matapos ang dalawang to sa pag
babangayan. "Stop na rodelio. Ano?
Magpla plano tayo o mag babangayan?"
Bukod sakin pakiramdam ko naamoy din
ni Irene na bakla si
Rodelio. Once
na rin silang pinag blind date ng mga
daddy nila para sa merging din ng
company. Bukod dun gusto ng daddy ni
Irene na tumino ito kaya ginawa sya
nitong personal assistant ni Rodelio.
Baka daw kase maging babae na din si
Irene. Medyo galaw lalake kasi si Irene.
Para na rin siguro magka developan ang
dalawa at makilala pa nila ang isa't-isa.
Ang kaso parang aso't pusa laging
nagbabangayan lageng gyera. Maganda
naman si Irene kaso yung nga lang hnd
rin marunong mag ayos. Pano kase sa
limang magkakapatid sya ang bunso
tapos puro kuya pa. Unica ija ng
pamilyang Perez si irene pero dahil narin
siguro sa sya lang ang nag iisang babae
kaya na adopt na nito ang mga
nakaugalian ng lalake.
Well,
infairness ang gwapo ng mga kuya ni
Irene. Yun nga lang mid 40's na
at may mga sarili naring
pamilya. Napag kasunduan namin ni
rodelio na pati si Irene ay kuntsabahin
dahil kahit si Irene ay ayaw sa blind date
na nagaganap. "Lucy, ito naba ang
isusuot
mo? Para mabalik ko natong mga gown
sa sasakyan. Binaling ko ang tingin ko
kay Irene at tumango. "Rodelio, sayo?
Okay na ba yan?" Tumango lamang ito
dahil busy ito kaka text sa cellphone.
Pag katapos naming mag sukat bago
umalis ay pinagsabihan ako ni rodelio
na bawal ma late. Ipapasundo at
ipapahatid nya ang make up artist dito
sa bahay na mag aayos sakin. Tatawag
nalang daw ako sa kanya kapag tapos
na ako sa pag aayos at ng mapa
sundo nya na ko. After mag
bilin ni rodelio agad
naman na nagpa alam ang dalawa at
sabay na umalis. Napatingin ako sa
orasan at biglang nakaramdam ng
gutom. Nagpunta ako sa kusina at
niligpit ang pinagkainan namin kanina at
nagtitingin tingin ng pwedeng lutuin. It's
late, diko lang naman namalayan. Bigla
akong nakaramdam ng pagka tamad at
napag
isipang sa labas nalang kakain.
Nagbihis lang ako saglit at agad na
lumabas ng room ko.
tinungo ko ang
elevator. Pipindutin ko na
sana ng may kamay na biglang
humarang sa pinto. Ng lumipas ang
segundo
Bigla akong nailang ng pakiramdam ko
ay
may naka titig sakin. Humarap ako sa
lalakeng pumasok kanina. Napakunot
ang noo ko ng makitang titig na titig ito.
Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng
mukha nya, magtatanong sana ako kung
may dumi ba sa mukha ko ng biglang
bumukas ang
elevator. Lumabas nalang ako at nag
lakad
papuntang lobby.
7:00A.M
Bigla akong napa balikwas ng maalala
kong may interview pala ako ngayon.
Gosh! Baka malate nako! Nagmamadali
akong pumunta sa banyo at naligo. Buti
nalang inayos kona agad kagabe ang
gagamitin ko sa interview. Plinantsa ko
ang blouse at skirt ko at nilagay sa
closet. Nakahanda na rin ang
heels na gagamitin kk. Pati na rin ang
susuutin ko
sa party kina Rodelio. Minadali ko
nalang ang paliligo at agad na
nagpa tuyo ng buhok. I put some light
make up para hindi naman ako haggard
tignan. Hinanap ko kaagad ang heels na
gagamitin ko. Ng matapos nako sa pag
aayos ay kinuha kona ang bag at agad
na lumabas ng condo unit ko andlocked
my room. I was hoping i could get this
job. I need this job to survive. Ayoko
naman totohanin ni Rodelio yung sinabi
nyang aampunin nya ako ano! I still have
my two hands, my 2 precious foot. At
nakapag tapos naman ako ng pag-aaral.
So there is no enough reason para mag
rely sa baklitang yun. I can live in my
own life. I want my parents kahit wala
na sila na maging proud.
Yes i know wala pakong narating sa
buhay pero alam ko rin na masaya sila
na nakaya ko lahat ng napagdaanan ko.
Ipinangako ko sa kanilang makakapag
tapos ako at makaka ahon kami sa
hirap. Although, hnd naman kami ganun
kahirap noon pero may iilan din kaming
naiwan na utang sa probinsya. Pero
bukod sa ipon ko na nasunog, doon
napunta ang mga sahod ko. Hindi
naman ganun kalaki ang utang ng
mama at papa kaya nakayanan kung
mabayaran iyon. Balak ko sana ibenta
ang bahay namin doon pero mahigpit na
kabilin bilinan ng mga magulang ko na
kahit anong mangyare ay wag na wag
ibebenta ang bahay namin
Yun lamang ang tanging pamana nila
sakin na nag iisa nilang anak.