SUBALIT hindi man lang ito nasaktan. Pero hindi ako susuko. Buong lakas kong inangat ang aking paa para sipain ito sa kanya gitnang hita. Kaya lang agad akong binitawan. Dali-dali ko tuloy kinuha ang baseball bat na nasa gilid ko at basta na lang ibinato sa aking kalaban na robot. Kitang-kita ko na tamaan ito sa pang-upo nito. Narinig ko pa nga ang pagdaing nito. Tao pala ito, boses robot lamang. Mabilis naman akong tumayo. Mayamaya pa’y bumukas ang pader at pumasok si Mr. Fuentebella may kasama itong babae. Agad akong yumuko nang lumapit ito sa akin. Magpahinga raw muna ako. Ang babaeng kasama nito ang bahala sa akin. Agad kaming pumasok sa loob ng elevator at tuluyan akong hinatid sa magiging silid ko kung saan ako magpapahinga. Bago matulog ay naligo muna ako lalo at basang-basa ako.

