Dali-dali akong lumapit kay Bederto. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong sa braso lang pala ito tinamaan. May pag-asa pa itong mabuhay. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Mukhang gusto nilang tuluyang patayin si Bederto. Hanggang ngayon kasi ay patuloy pa rin kaming pinauulanan ng bala ng baril. Ngunit hindi ako gumanti. Hindi puwedeng makita ni Bederto na mahusay akong gumamit ng baril. Baka maghinala ito sa akin. Masyado pa naman itong matanong. At hindi ako titigilan nito sa kakatanong. Hanggang sa marinig kong dumating na ang mga pulis. Biglang huminto ang putok ng baril. Mukang nagtakbuhan na mga armadong lalaki na balak patayin si Bederto. Agad akong tumayo mula sa pagkakada ko sa sahig. May dumating namang ambulance at agad na dinala ang kaibigan ko sa hospital. Balak

