(SUZI’S POV) Panay ang ikot ko sa kama. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makatulog. Dahil sa kakaisip sa nangyari. Alam kong nagalit si Governor Jaxon dahil sa aking mga sinabi. Dalawang araw na rin akong hindi pumunta sa bahay nito. Panay tuloy ang tawag sa akin ni Jovan. Kapag may mga takdang aralin ito at hindi alam ay kailangan pa naming mag- V-Call. Ngunit ngayon araw ay kailangan kong pumunta roon. Saka wala raw si Governor Jaxon ngayon. May pupuntahan kaya ako ang maghahatid sa bata sa school nito. Isang buntonghininga ang aking ginawa. Hanggang sa nagmamadali na akong bumangon sa kama. Tinatamad pa nga ako ngunit baka ma-late si Jovan. Magpapahatid na lamang ako kay Aguda upang mas mabilis akong makarating sa bahay ni Governor. Matapos kong ayosin ang aking sarili ay dali-

