Hindi ka agad ako nakapagsalita. Lalo at nanlilisik ang mga mata ni Governor Jaxon. Bigla rin itong napahilamas sa kanyang mukha at parang stress ang lalaki. Hanggang sa marahas nitong bitawan ang aking braso. “Umalis ka na, Suzi—” Pagtataboy nito sa akin. “Sino ba ang babaeng ‘yon, Governor? At mukhang mahalaga siya sa ‘yo,” walang paligoy-ligoy na tanong ko sa lalaki. “May sakit sa pag-iisip ang babae ‘yon, Suzi. Ngunit dahil sa biglang pagsulpot mo at gumawa ng ikagagalit niya kaya napahamak siya!” galit na sabi ni Governor sa akin. Hindi ako nagsalita. Walang paalam na tumalikod na lamang ako. Wala nang patutunguhan ang usapan namin. Dahil alam kong puro sisi lamang ang aking maririnig mula sa lalaki. Isang buntonghininga ang aking ginawa. Ngunit hinding-hindi ako hihingi ng taw

