(CONGRESSMAN INGGOTE POV) HALOS mahimatay ako dahil sa malakas na suntok sa akin ng babaeng kaharap ko. Talagang napaluhod din ako sa sobrang sakit. Gulat na gulat din ako sa pagsuntok nito sa akin at hindi man lang gumalang sa akin, eh, aki ang Congressman ng buong Yanara. Dinig na dinig ko rin ang mga sinabi nito na ipaparanas din daw nito sa akin ang ginawa ng aking anak sa kapatid nito. “Anak tama na ‘yan!” narinig kong anas ng matandang lalaki. Ngunit parang bingi ang babae. Hanggang sa muli na naman niya akong suntok sa aking tagiliran. Kaya muli akong napaluhod sa sahig. “Anak, tama na ‘yan, please.!” Nakita kong inilayo ng matandang lalaki ang anak nito sa akin. “Congressman Inggote, umalis ka na. Ngunit sa inaakala mong okay na ang lahat at ligtas na ang anak mo, diyan ka n

