(PATRA'S POV) Maganda ang aking ngiti habang nakatingin sa mga baka at kalabaw. Naghahanap na rin ako ng buyer nito. May malaking pera pala ang anak ni Juno. Mabuti na lang ang pumunta ako roon sa bahay, kaya nakita ko ang kalabaw at baka. Napansin ko rin ang mga poste ng kuryente at balak yatang magpakabet ng kuryente. Bigla akong napaismid. Wala akong pakialam sa plano nila. Ang mahalaga ay may baka at kalabaw na ako na kailangan kong ibenta upang magkapera. Malaking pera rin ito. At talagang tiba-tiba ako rito. Hanggang sa mapatingin ako sa lalaking pararating. Ang ganda ng aking ngiti habang nakatingin dito. Sana lang ay may nahanap na itong buyer. Mabilis akong tumakbo papalapit sa aking mahal. Mahigpit akong humawak dito at agad kong hinawakan sa labi. . “May nahanap ka na ba,

