Hanggang sa marinig kong may mga dumating na sasakyan. Medyo yumuko ako. Saka nakuha ko na naman ang pera ko na bayad sa aking sa balot kaya ayos lang kung makipaglaban na ako sa kanila. “Sandali lang, sino ka ba? Ano’ng ginagawa mo rito?” narinig kong tanong ng lalaking bagong dating. Biglang tumaas ang kilay ko. Mukhang nakahalata sila. “Pare, nagtitinda ‘yan ng balot, heto nga, oh! Bumili kami!” anas ng isang lalaking lasing na rin. “Balot? Paano niya nalaman ng lugar na ito? Tarantado kayo, walang nakakapasok na magtitinda ng balot dito? Kaya kalokohan na nagtitinda siya ng balot!” Naramdaman kong hinawakan ako sa aking balikat. Mabilis na gumalaw ang aking katawan paharap sa lalaki ay sabay kalabit ng baril na mabilis kong nakuha. “May kalaban!" sigaw pa nito bago tuluyan bumagsa

