(SUZI POV) May ngiti sa aking mga labi nang mahiga ako sa kama. Grabe, busog na busog ako. May take out pa ako at chocolate at mga pagkain. Tapos may dalawang libo pa akong pera. Uto-uto rin ang tauhan ni Mr. Governor. Bigla tuloy akong tumawa ng malakas. Napahinto lamang ako sa pagtawa ko nang may magpadala ng minsahe sa cellphone na kinuha ko sa lalaking nasama sa pagsabog. Bigla akong napangisi nang makita kong may text si Madam Lou. Galit na galit na ito dahil walang paramdam ang mga lalaking napasama sa pagsabog. Magkita raw sila. Agad namang binigay ang address. Hindi ka agad ako nagreply. Para kasing may mali. Ilang araw bago ito nagtext. Samantalang tumatawag pa ito sa cellphone noong nakaraan bago ko sunugin ang lugar na ‘yon. Hindi ako naniniwala na hindi pa nito alam ang nan

