(VECAL’S POV) Biglang tumaas ang kilay ko habang nakatingin sa matanda. Akala siguro nito ay hindi ko alam ang lihim nitong tinatago sa bulok nitong pagkatao. Ngunit napansin kong bigla itong tumawa ng malakas. “Wala akong pakialam sa pananakot mo sa akin, tanga! Ako pa ang tatakutin mo? Sino ka lang ba, huh? Isang basura na gustong dumikit sa aking anak upang makihati sa pera niya!” Sabay sampal nito sa akin. Pakiramdam ko’y tumalsik ang aking ngipin sa malakas na sampal nito sa akin. Mariin kong ikinuyom ang aking mga kamao. Nanlilisik ang mga mata ko na tumingin sa matanda. Talagang mayabang ito noon at hanggang ngayon. “Ito ang tandaan mo tanda, titiyakin kong kakamuhian ka ni Jaxon!” malakas na sigaw ko. Ngunit dalawang beses na sampal na naman ang aking inabot. Galit na galit tul

