(SUZI’S POV) KASALUKUYAN akong nakaharap sa aking laptop para pag-aralan ang ibang mga files na pinadala sa akin ni boss Zach. Ang dami ko pa palang dapat tutukan. Ngunit dito muna ako nakatutok kay Madam Fire Red. Ang ayaw rito ay walang habas ito kung pumatay ng tao. Ito ang pumapatay sa mga kasamahan din nito sa grupo kapag wala ng silbi katulad ng ginawa nito kay Madam Devora. Mabuti nga at nadala ko pa ng hospital ang babae sa dami ng tama ng bala nito sa likod. Marahas tuloy akong napahinga ng malalim. Hanggang sa i-off ko ang aking laptop. Kailangan ko nang umalis para pumunta sa aking trabaho, tanggalin na ako ni Jaxon. Baka sabihin nito ay daag ko pa ang boss. Saka kahapon ay hindi ako nakapunta rito, sobrang busy ko kasi. Panay tuloy ang tawag sa akin ni Jovan. Mabuti na la

