INIS na itinutok ni Alexa sa ceiling ang paningin. Bakit ba siya kailangang makaramdam ng ganoon? Bakit siya naiinis sa nangyayari, samantalang ipinangako na niya sa sarili na balewala na sa kaniya si Liam at hindi na siya kailanman maaapektuhan ng mga bagay na may kinalaman dito? Kanina ay may bulaklak na naman si Bugs at galing na naman iyon sa hinayupak na lalaki. Naiilang siya pero hindi magawang magkomento dahil baka masaktan niya lang ang damdamin ni Bugs. Pero ang totoo ay hindi talaga siya naniniwala sa mga pakulo ng lalaking iyon. Ang isang Don Liam Gregory Sebastian ay walang alam sa tunay na kalooban ng isang babae. O mas tamang sabihing wala itong pakialam. Palibhasa ay mayaman, na nakukuha ang ano man naisin sa isang pitik ng daliri, kaya walang konsiderasyon sa damdamin ng i

