“ANO ito? Para saan ito?” tanong ni Liam kay Sandro isang umaga ng Lunes. Ibinigay sa kaniya ng kasambahay na si Anna ang calling card na galing daw rito. Nang basahin niya ang nakasulat ay pangalan ni Alexa ang naroon. Matapos mag-almusal ay kinuha niya ang motorbike at agad na pumunta sa shop ng kababata. “Last time I checked, calling card ang tawag diyan,” nakangising sagot ni Sandro habang nagpipihit ng gulong ng isang kotse. “Okay. So, ano ang silbi nito sa akin? Ano’ng gagawin ko rito?” Sumipol muna si Sandro bago sumagot. “Ang harsh naman. Ano pa, e ‘di gamitin mo. Ano ba ang purpose ng calling card?” Inihagis nito sa kaniya ang kapirasong card at saka humakbang patalikod. “I don’t need to call that woman, if that’s what you want to insinuate.” Tumayo si Sandro mula sa pagkakat

