Chapter 5

1010 Words
PAGDATING sa ospital ay agad namang naasikaso si Bugs, habang si Alexa naman ay piniling maghintay na lang sa waiting area. Wala siyang planong magpatingin dahil okay naman talaga siya. Kahit naman si Bugs ay ganoon din, sadyang maarte lang ito at wala siya sa mood makipagpilitan dito. Mukhang interesado ito kay Sandro at panay ang pa-cute. “Have yourself checked. Sayang ang ipinunta natin dito kung hindi ka magpapatingin.” Napasulyap siya sa nagsalita. Hindi niya napansing tumabi sa kaniya si Liam, ang lalaking ubod ng sungit na ipinaglihi yata ng nanay nito sa kunsumisyon. Sa halip na sumagot ay umismid siya rito. Wala siyang panahong makipagtalo. Sayang lang ang mga salitang bibitiwan niya sa kumag na ito. “I think you also need to have your ears checked. Mukhang nadisgrasya rin yata.” Tumingin siya rito nang may nakahandang simangot sa mukha. ‘Yung tipo ng simangot na hindi nito gugustuhing makita ulit. “Alam mo, wala naman akong pakialam sa mga opinyon at gusto mong sabihin. In case you don’t see it, I don’t like to talk to you.” Inirapan niya ito. “Wala naman din akong plano sa’yo, kaya hindi mo rin ako kailangang gustuhing makausap. Ayoko lang masayang ang abala sa oras nating lahat. Narito na rin lang tayo, might as well, make the most out of our time here.” “I’m perfectly fine, so no, thanks. At kung sakali mang may problema sa akin, ako na ang bahala sa sarili ko. ‘Yung kotse ko na lang ang intindihin mo, tutal ay mukhang malaki naman ang insurance coverage ng kotse mo.” She was waiting for another insulting words from him but she didn’t hear any. Out of curiousity, Alexa looked at him. Liam looked serious. Diretso ang tingin nito at diretso rin maging ang sitting posture ng lalaki.  Sinikap niyang iwasan ang mapahugot ng malalim na paghinga habang nakatingin rito. Some things really never change. He still had those long brows, and a brown mole on his left chin, just an inch below his eye. His asset. He still has that sexy and fuller lower lip. Bagay sa ilong nitong very proportional ang tangos sa kabuuan ng mukha nito. Very masculine ang features nito dahil na rin siguro sa well-defined nitong jaw line. Wait, bigla siyang may naalala sa pagmamasid dito. Kanina pa niya iyon iniisip sa daan pa lang nang muli itong makita. Did he...did he look likeNicholas Gonzalez of The Good Doctor? Another question, was that the reason why he used to like that American actor? “Yes?” Napadiretso sa pagkakaupo si Alexa nang mapansing nakatitig na pala siya sa mga mata ng lalaki. Halos tatlong dali lang yata ang pagitan ng mga mukha nito nito. Masyado ba siyang naaliw pagmasdan ang mga matang iyon at hindi niya napansing nakatingin na rin pala ito sa kaniya? “Anong yes?” kunwa ay naiinis niyang sabi at saka tumingin sa kabilang panig. “Akala ko ay may gusto kang sabihin kaya ganyan ka kung makatingin.” Lihim siyang napapikit sa pagkapahiya sa tanong nitong iyon. Kung bakit naman kasi ngayon lang niya na-figure out na kaya pala familiar sa kaniya ang actor na iyon sa isang Netflix series ay dahil dito. “Ati!” Kapwa napalingon ang dalawa sa paparating na si Bugs, kasama si Sandro na nakangiti. “O, kumusta ka?” tanong agad niya kay Bugs. “Ayos naman, Ati. Maganda pa rin nga, kainis.” Sinimangutan niya ito. “Nasaan ang lab tests mo?” Yumuko ito at ibinigay sa kaniya ang hawak nitong folder. “Heto ang iba. ‘Yung dalawa, bukas pa daw ang result.” “So that means you need to go back here tomorrow?” “Ang taas talaga ng IQ ni Ati,” said Bugs, then giggled. “Ganoon nga sana, pero mapilit itong si Sandro. Siya na raw ang kukuha at dadalin na lang sa atin.” Walang babalang hinatak niya sa isang sulok si Bugs. “Ano’ng sinasabi mo diyan? Gusto mo pa talagang makipagkita ulit sa mga iyan?” gigil niyang tanong rito. “Ati naman. Huwag OA. Tinutulungan na nga tayo, aarti ka pa talaga?” “Gaga!” gigil niyang sabi sabay tusok sa tagiliran nito. “Umayos ka nga, Bugs. Marami akong kailangang isulat ngayong papasok na week, kaya huwag mo akong bibigyan ng sakit ng ulo, okay?” “Don’t worry, Ati. Si Sandro lang naman ang pupunta sa atin. Hindi naman kasama si Sungit.” Inginuso pa nito ang lalaking kanina lang ay katabi niya. Agad naman nitong inilayo ang tingin nang mapansing nakatingin sila rito. “Siya, magpaalam ka na at umuwi na tayo. Don’t tell me na magpapahatid ka pa, Vibiana? Sisante ka na bukas, makita mo!” Nag-make face ang assistant niya, bago lumapit sa dalawang lalaki. Siya naman ay nagmartsa na palabas ng ospital, sa pag-asang hindi na magsalubong ang paningin nila ng masungit na si Liam. “Hey!” Napapikit si Alexa nang marinig ang boses ng isang lalaki sa kanyang likuran. Ang akala niya ay sumunod sa kanya si Liam, kaya naman nang humarap siya ay nagulat pa siya nang makita si Sandro. Humabol pala ito sa kanya nang lumabas siya ng ospital. “Ikaw pala. I mean, may kailangan ka ba?” Napangiti nang makahulugan si Sandro. “Puwede bang makahingi ng calling card?” “It’s okay. No need to--” “Liam insists. Gusto niyang makabawi some other time.” “What?” Tumingin siya rito nang hindi makapaniwala. Itinaas ng lalaki ang kamay na parang nanunumpa bilang tugon sa inakto niyang iyon. “I don’t intend to communicate. I’m sorry. But before I forget, thank you. Salamat sa kabutihan mo at pag-aasikaso kay Bugs. Where is she?” “Nasa kotse na ni Liam.” Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. Nag-init ang ulong bigla. “Please tell her na nag-taxi ako. I should get going.” Tinalikuran na niya si Sandro habang ang huli naman ay napapakamot ng ulo.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD