Prologue
Updated Prologue
Prologue
Tahimik ako sa isang tabi habang nakikipagusap si Mama sa mga kakilala. Inuli ko ang mata ko sa kalawakan ng bahay ng mga Lausingco.
I pouted, hindi ko pa nasisilayan si Emoji. Mga pinsan nya palang ang nandito.
Kasalukuyan kaming nandito ng pamilya ko sa mansyon ng mga Lausingco, isa sa pinaka kilalang pamilya dito sa Lucena. Kaibigan ni Mama si Mrs. Merlie Lausingco kay naimbitahan kami.
At syempre, excited ako sa kaalaman na makikita ko si Emoji dito ngayon. Panganay na anak ni Elvis at Merlie Lausingco na hinahangaan ko simula palang noong una.
Random siguro, kasi kaibigan ni Kuya ang mga Lausingco, at natutuwa na ako sa simpleng interaksyon namin noon, na hanggang ngayon, dala dala ko pa. Tumindi pa iyon noong kapag nakikita ko sya araw araw. At siguro batang puso pa iyon noon kaso ngayong lumaki na ako, hinahanap ko pa din sya.
"Moses!" May tumawag kay Kuya kaya napatingin din ako.
Mabilis akong napaayos ng upo nang makita ko ang mukha ni Emoji na katabi si Earl. Palapit sila sa pwesto namin ngayon para batiin si Kuya.
"Balita?"
"Gwapo pa din, di ka na sumasama sa mga game," ani Emoji.
Kumurap kurap ako nang magawi ang tingin nya sa akin. Parang tanga na napatikhim ako at umiwas ng tingin.
"Nagkatrabaho na kasi. Siguro kapag may libreng oras."
"Paupo kami ha," ani Earl sa akin.
Tumango nalang ako at dinampot iyong baso na may lamang tubig. Sumimsim ako doon at simpleng tumitig kay Emoji habang nag uusap sila nina Kuya.
Humahaba na ang buhok nya, dati kalbo sya. Pero gwapo pa din.
"Pinataob ni Ej iyon ah, yabang kasi." Tinapik ni Earl ang balikat ni Emoji.
Humalakhak si Emoji bago nahagip na naman ang mata kong nakatitig sa kanya. Nagkanda ubo ubo na tuloy ako. Maaga akong dinaluhan ni Kuya. Pagak akong natawa.
"Are you okay?" Aniya.
"Ah, oo." Sagot ko sabay tayo. "Doon lang ako kina Ate." Mabilis kong paalam at tumalikod na.
Ayan, nakakahiya ka talaga kahit kailan, Sinag!
Imbes na maupo sa tabi ni Ate ay lumihis ako at pumunta sa may dessert part ng buffet. May chocolate fountain nga doon, nilahad ko ang daliri ko at nalagyan ng chocolate iyon.
Tahimik kong tinikman iyon. Umayos ako ng tayo at humarap sa make up stage para sa mini band doon. Debut party ni Emsi, bunsong kapatid nina Emoji at Earl ngayong gabi. I hugged myself and feel the senti moment.
Pinasadahan ko ng tingin ang buong garden, nang mahagip ko ang bulto ni Emoji. Napasinghap ako ng matantong naglalakad sya palapit sa akin o baka nag aassume lang ako?
Lumunok na talaga ako ng makalapit na sya sa pwesto ko. He smiled and my heart beats widly now.
"Okay ka lang?"
"Ha? Ah, oo." Dinama ko ang pisngi ko.
"Namumula pisngi mo. Baka malamig dito sa may pwesto mo." Paos na medyo mababa ang boses nya.
"H-hindi naman,"
Isang tango ginawa nya bago humakbang ng isa palapit sa akin. Nahigit ko na ang hininga ko dahil doon, pumikit ako at narinig ko ang mahina nyang pagtawa.
I cleared my throat and open my eyes, only way for me to find out na nakatayo na sya sa gilid ko at may hawak na marshmallow na sinasawsaw nya sa chocolate fountain.
Jusko, nakakahiya.
"You look cute," aniya pero wala ang focus sa akin kundi nasa chocolate fountain.
Hindi na ako umimik dahil hiyang hiya na ako sa nangyari kanina. Ano nalang iisipin nya.
"Tinikman mo na to?" He asked and faced me.
"Kanina," sagot ko ng mabilis at tinutok ang mata sa nasa harapan naming mga tao.
May kanya kanyang mga mundo ang lahat ng bisita ngayon. Hinanap ko ang pwesto nina Ate para sana umalis na doon kaso, ayaw gumalaw ng mga paa ko. Tss, porke katabi si Emoji.
"Kapatid ka ni Moses diba? Anong pangalan mo?" Tanong na naman nya kaya napalingon ako sa kanya.
Sigurado ba sya? Sa tagal na nyang kaibigan si Kuya, hindi nya talaga alam ang pangalan ko? Kung sabagay, itsura ni Emoji talaga ang hindi na aabalahin pang tandaan ang pangalan mo. Bakit ko ba uli nagustuhan to?
Gwapo kasi, Sinag. Tyaka gusto mo talaga sya wala nang eksplenasyon.
"Sinag."
"Ah, oo nga. Kinumpirma ko lang, baka kasi mali iyong nasa isip ko."
Napatawa ako ng pagsubo nya sa strawberry ay may tumulo sa gilid ng labi nya na chocolate.
Tinuro ko iyon sa kanya. "May chocolate dito,"
"Patanggal naman," he playfully said.
Hindi ako agad nakareact. May pilyong aliw sa mata nya ngayon bago lumapit sa akin.
"Saan banda ba?"
Inangat ko ang kamay ko at pinahid iyon, hindi na lalo magkamayaw ang puso ko sa pagtibok.
Paiwas na sana ako ng mabilis nyang dinampi ang labi nya sa labi ko at kapagkuwan ay umayos ng tayo.
"Cute mo," aniya bago ako iniwan doon.
Sunod sunod na kurap ang ginawa ko at dinampi ang kamay ko sa labi ko. Ano iyon? Ano? Bakit? Sinuway ko ang puso ko sa pagtibok ng mabilis. Sandali!