Chapter 18
Friend
Kagat kagat ko ang pang ibaba kong labi habang lulan kami ng pick up nya. Ihahatid nya daw ako sa bahay kahit anong pigil ko. Ewan ko, na-a-awkward ako eh.
Matapos nang nangyari sa amin ewan ko kung magiging okay pa ba kami sa isa't isa. Natatakot din ako na baka hanap hanapin ko sya. Ugh!
Kinalas ko agad ang seatbelt ko pagkatigil ng pick up sa tapat ng bahay. Bumilang pa ako sa isipan ko bago ako magpaalam sa kanya, kaya lang hinawakan nya ang kamay ko.
"Sinag?"
"Ahm, ano. Huwag kang mag alala, hindi naman ako maghahabol sayo. We can still be friends." Mabilis kong sabi.
"Sorry."
Parang nagunaw ang mundo ko. He was sorry?
"Ayos lang, g-ginusto naman natin pareho." Lumunok ako. "Ano, baba na ko. Salamat sa paghatid. Ingat ka."
Hindi ko na sya inantay sumagot, at mabilis akong bumaba. Napabuga ako ng marahas na hangin. So this is my consequence? Shocks! Ikaw lang Sinag ang kilala kong sumugod sa laban na walang dalang armas!
Hindi na din ako halos makatulog nang nahiga ako sa kama. Panay kasing pumapasok sa isipan ko ang nangyari, nakita ko nalang na gising na si Auntie kaya bumangon na ako para bumili ng pandesal.
Kumatok ako sa bahay nila.
"Oh, maaga ka ata nagising?" Humihikab pa si Auntie.
Pumasok na ako sa loob at sinilip ang wallclock. Pasado alas singko palang ng umaga.
"Hindi na po kasi ako makatulog." Nilapag ko ang pandesal sa lamesa. "Bumili na po ako ng pandesal, Auntie."
"Oh sya at maupo ka na, malapit ng maluto itong hotdog." Tumango ako sa sinabi nga. "Magtimpla ka na din ng kape."
Sinunod ko naman ang sinabi ni Auntie. Hindi nagtagal ay kumakain na kaming dalawa. Matapos niyon ay nagpaalam na akong maliligo na.
Medyo mahapdi pa pero keri na, kalandian mo yan Sinag. Mabagal bagal akong nagayos at saktong alas siyete nang magpaalam ako kay Auntie na aalis na.
Inabot ako ng trapik kahit anong bilis nang kilos ko. Wala na tayong magagawa, nasa pilipinas tayo.
Wala pa naman si Sir nang makarating ako sa opisina. Kaagad kong sinimulan ang mga naiwan naming dapat na gawin. I crossed my legs, dahilan para mapangiwi ako. Oh crap!
Binalewala ko nalang iyon at chineck ang mga email kung may mga meeting pa si Sir. Nanlaki pa ang mata ko at nagdalawang tingin ako kung tama bang nabasa ko na sa Lausingco Hotel gaganapin ang isang meeting ni Sir. Hindi na naman siguro ako kasama dito, kaya na ni Sir ito.
Pasado alas nuebe nakarating si Sir sa opisina. Agad kong sinabi ang mga upcoming meeting nya, panay lang ang tango nya sa akin.
"Iyong last meeting nyo sir, gusto ng client na sa Lausingco Hotels kayo magkita kasi doon daw po sya naka-check in."
Palihim kong hiniling na sana hindi ako kasama.
"Oo, sumama ka sa akin. Mabilis lang naman iyon."
Gusto kong magprotesta pero baka magalit si Sir, sa itsura pa naman nya ay parang bad mood sya. Hays, wala ka Sinag. Kasama ka, at hilingin mo na sana wala doon si Emoji.
Mabilis kumilos ang oras, at dumating na iyon sa last meeting ni Sir. Panay ang isip ko ng dahilan para hindi ako makasama pero heto, lulan ako ng sasakyan ni Sir.
"Paki-check kung dala natin lahat ng kailangan." Ani Sir habang nililiko ang stering wheel.
Mula sa folder ay sinilip ko ang laman niyon. Kumpleto naman kaya nag-thumbs up ako kay Sir.
Pinarada nya ang navara, nissan nya sa parking ng Lausingco Hotels. Panay ang kagat ko sa pang ibaba kong labi habang paulit ulit sa isipan ko na sana wala si Emoji dito. Hindi ko kasi alam ang gagawin sa oras na magkita kami.
Nakasunod lang ako kay Sir Grant papasok sa loob ng Lausingco Hotels. Nagtungo sya sa restaurant sa loob doon. Nadaanan namin ang reception desk. Kumaway ako kay Rain doon.
"Mr. Valderama. It was nice seeing you again." Agad na bati ni Sir sa isang lalaki na naka-casual attire.
Lumingon sya sa likod ni Sir Grant at nakita ako bago binalik ang tingin kay Sir.
"I'm sorry." Ani Sir. "My secretary. Let's start?"
Naupo kami doon at nagsimula na sila sa pagdiscuss ng mga business nila. Panay lang akong nagtatake note sa tabi ni Sir.
Thirty minutes at tapos na ang pag uusap nila. Inabot ni Sir ang folder kay Mr. Valderama bago kami tuluyang nagpaalam.
Umigting ang panga ni Sir Grant at umusal ng mura.
"Sir?" Tawag ko. Baka kasi ako iyong minumura nya.
"That damn old man. Ineexpect nya sigurong kasama ko si Amber, well he's wrong." Mariing sabi ni Sir Grant.
Inalala ko naman si Mr. Valderama. Iyon iyong matandang may gusto kay Ma'am Amanda. Hindi lang halata pero gustong gusto nang baliin ni Sir ang mga buto noon.
"Hindi sya kawalan sa kompanya ko."
Nagpapasalamat akong hindi nagtagpo ang landas namin ni Emoji. Baka tambak din sya ng trabaho ngayon.
Nagpababa nalang ako kay Sir saay kanto malapit sa amin. Maglalakad nalang ako papasok, marami pa namang tao.
"Salamat po, Sir."
Tumango sya, "Ingat, Sinag."
Sinarado ko na iyong pinto at hinintay syang makaalis. Napabuntong hininga ako. Di ko alam kung thankful ako na hindi kami nagkita ni Emoji or madidisappoint na ewan.
Naku Sinag, pigilan mo na yan bago pa lumala.
Bumili lang ako ng tatlong bote ng beer at nonong's garlic grilled chicken. Kailangan ko lang ng libangan ngayon.
Dumaan ako kina Auntie para ibigay iyong isang nonong's chicken. Inaya na din ako ni Auntie na maghapunan pero tumanggi ako at nagtungo na sa kwarto ko.
Paglabas ko ng bahay nila ay saktong pagparada ng pamilyar naputing pick up sa harapan ko.
Kaagad tumalon ang puso ko mula sa dibdib ko. Bumukas ang driver's seat at lumabas doon si Emoji.
"A-anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.
"I'm paying you a visit."
"Ipark mo ng maayos iyang sasakyan mo. Nakaharang sa daan."
Tumango sya at pinarada iyon doon sa may tapat. Pagkatapos ay lumabas na sya at nilock ang sasakyan. Lumapit sya sa akin na nakasabit ang bag nya sa kaliwang bahagi.
"I'm visiting you as my friend." He said. Tumango ako kahit may sting sa puso ko.
I'm just his friend. Nothing more, Sinag.
"Kumain ka na?" Tanong ko kapagkuwan.
Umiling sya. "Stuck in a meeting. Kung hindi pa ako tumakas, probabbly ngayon lang natapos iyon."
He look tired, at nakaramdam ako ng awa.
Tumalikod ako at binuksan ang kwarto ko. Sinenyasan ko syang sumunod sa akin.
Binuhay ko ang ilaw pagkapasok namin. Inayos ko pa ang maliit na sofa na nandoon. Agad syang naupo doon. Buti nalang ay binigyan ako ni Auntie ng kanin kaya hindi ko na kailangang magsaing pa.
Naghain ako at pagkatapos ay tinawag ko sya. Nahinto lang ang pagtawag ko ng makita kong nakahilig na sya sa sofa.
Huminga ako ng malalim at tahimik na nilapitan sya. Maingat akong naupo sa tabi nya at tinanggal ang pagkakasabit ng bag nya sa balikat nya.
Naudlot ang tangka kong paghaplos sa mukha nya dahil pilit kong sinasaksak sa utak ko na hindi dapat.
"Eris.." Mahina kong niyugyug ang balikat nya. "Eris.. Kumain ka na muna."
Kumunot ang noo nya. Inulit ko ang pagyugyug sa balikat nya.
"Eris.."
Dahan dahan syang nagmulat dahilan para magtama ang paningin namin. Kinailangan kong suwayin ang puso kong nagliligalig na sa loob ng dibdib ko.
Ang malalalim nyang mata na kapag natitigan mo ng matagal ay pawang parang nakikiusap. Kumurap kurap ako at umayos ang upo.
"Kain na tayo." Sabi ko nalang.
Mabilis akong tumayo para hilahin ang lamesa palapit sa amin. Tahimik kaming nagsimula na kumain, sinilip ko sya, marami rami naman syang nakain.
Tinabi ko nalang muna sa mini ref ko iyong beer na binili ko. Ayokong ilabas at baka...
Matapos nyang kumain ay pinasadahan nya ng tingin ang paligid. Alam kong hindi ito kasing laki ng condo nya. Nagpapakpak ako ng manok.
"Magkano upa mo sa ganito?" Biglang tanong nya.
"Si Auntie muna ang nagbabayad sa ngayon, kapag nakaipon daw ako, tyaka ko bayaran sa kanya. Tapos ayaw na nyang kunin iyong binabayad ko, itulong ko nalang daw kina Mama."
Isang tango ang ginawad nya bilang sagot. Niligpit ko naman ang pinagkainan namin. Ramdam ko ang pagmasid sya sa akin.
"Mahiga ka na kung gusto mong matulog na." Sabi ko sa kanya.
"Huwag na. Uuwi na lang ako."
Nilingon ko sya at nakitang nakatayo na sya. Lumapit ako sa kanya.
"Ayos ah! Nakikain kalang?" Sabi ko na may halong biro.
Natawa sya.
"Ayokong kumain ng mag isa." Sagot nya.
Umirap ako na kinatawa na naman nya. Hinawakan nya ang kamay ko at hinila ng bahagya palapit sa kanya.
"Thank you for still treating me as your friend." Bulong nya matapos nya akong yakapin.
Tinapik ko ang likod nya. Lumayo sya at hinawakan ang pisngi ko. Ngumiti ako. Aww, friendzoned na talaga.
He placed soft kiss on my lips before pulling away from our hugs. Muli kong tinapik ang balikat nya. Sinenyas nya ang pinto.
"Mag iingat ka."
Pabiro syang sumaludo. Kumaway ako bago nya isarado ang pinto. Naupo ako sa sofa matapos kong kunin ang isang bote ng beer. Kailangan ko ng pampaantok ngayon.
***
Nakaupo ako ngayon dito sa Capistra Cafe. Umuwi muna ako sa Lucena dahil naka-leave si Sir Grant para sa kasal nila ni Ma'am Amanda. Tyaka wala na naman masyadong trabaho kaya pinayagan din ako ni Sir, aba dapat lang no. Ako kaya ang mas madaming ginagawa sa opisina dahil ang ginagawa nya ussually ay makipaglandian kay Ma'am Amanda.
Inaantay ko si Eli at Rain ngayon. Dahil nalaman nilang nasa Lucena ako, naisipan nilang magkita kita dahil bibihira lang ito sa isang buwan. Si Eli kasi malapit na grumaduate, si Rain naman kailangang kailangan sa Hotel palagi, ewan ko kung anong dinahilan nito para makauwi.
Malapit ko na ngang maubos itong inoder ko wala pa iyong dalawa. Kahit kailan talaga.
May pumasok sa cafe na grupong maiingay kaya napalingon ako doon nang hindi sinasadya. Pumasok ang magpipinsang Lausingco panghuli si Emoji.
Napaayos ako ng upo dahil napalingon sa akin si James Michael.
"Sinag!" Kaway ni Earl. Kumaway din ako pabalik. "Si Strawberry?"
"Papunta palang."
"Ah, magkikita kayo?" Tumango ako. "Sige." Sinenyas nya ang mga pinsan nya.
Halos magkagulo dahil ang gugulo nila.
"Manlilibre si Ej kasi sila na daw ni Shaira." Rinig kong sabi ni Shinubo.
"Siraulo." Halakhak ni Ej.
"Kayo na, Kuya?" Tanong naman ni Emsi.
"Gago yan. Huwag kang nagpapaniwala jan." Naiiling pa si Ej.
Nakikita ko na iyong dalawa sa pinto kaya tumayo na ako. Pumasok sila at agad na nasipat ni Earl si Rain, bilis ng mata nya no?
"Stawberry."
Irap lang ang sinagot ni Rain. Hindi sana sya lalapit pero hinila sya ni Emsi kaya isa isa nyang hinalikan sa pisngi iyong magpipinsan maliban kay Earl na sinabunutan nya pa.
"Oo, bukas nalang. May lakad ako." Kumaway na si Rain doon sa magpipinsan at lumapit na sa amin.
Bago kami tuluyang lumabas sa cafe ay sumulyap pa ako sa loob at halos mapatalon ako kasi nakatitig sa amin si Emoji. Naputol lang iyon nang higitin na sya ng kapatid na si Emsi.