Chapter 6
Utot
Alas tres y media ako sakto nakarating sa Lucena. Gulat pa nga sina Mama kasi akala mila hindi ako makakauwi this weekend. Aba'y pwede ba naman yun? Miss ko na sila, mahigit one month ko na din silang hindi nakasama no.
Nagluto si Mama ng paborito kong tinola at ibang binake nya. Habang nakain kami ay panay ang kwento ko tungkol sa pag-ojt ko doon sa Lausingco Hotels. And mind you, talagang binida ko kina Mama kung gaano kaganda doon.
"Punta tayo dun mga minsan, Ma. Sobrang ganda. Tapos ang dami na nilang branches."
Natawa si Mama at sinandukan pa ako ng kanin sa plato.
"Oo, pag uwi ng Papa nyo." Natatawa nya pa ding sagot.
Tumulong ako sa pagligpit matapos naming kumain. Si Kuya ang pinaghugas dahil day off naman nya sa trabaho. Nagpaalam naman ako kay Nanay na maglalakad lang saglit.
Papalabas na ako ng gate nang tumunog ang cellphone ko. May text pala galing kay Eli.
Elizabeth:
Wer yu?
Sinaraduhan ko naman ang gate at nagsimula nang lumakad.
Ako:
Labasan. Y?
Pinindot ko ang lock button ng cellphone ko at tinabi sa bulsa ko. Hindi na gaanong mainit kaya ayos lang na mag lakad lakad ng ganitong oras. Sinilip ko uli ang cellphone ko, pero wala ng reply galing Eli.
Nagkibit balikat ako at shinoot uli sya sa bulsa ng short ko. Matagumpay akong lumampas sa bahay ng mga Lausingco at nakarating sa may tindahan ng siopao at siomai sa labasan.
Kinawayan ako nung mga security guard sa may labas ng Cooperative sa labas ng compound namin. Humarap ako sa kalsada para maghanda na sa pagtawid, pahakbang na ako ng matigilan ako dahil sa malalalim na mata ang nakamasid sa akin sa kabilang kalye. Napalunok ako at pinagpatuloy ang pagtawid.
Naiilang pa din ako kapag nagkakatitigan kami, though may part sa loob ng dibdib ko ang nagdidiwang dahil nakakatitigan ko sya ng ganun.
Walang lingon na dumiretso ako sa stall ng siopao at siomai doon. Huminga pa ako ng malalim dahilan para magmukha akong tanga.
"Siomai nga po. Trenta."
Matapos kong iabot iyong bayad ay pasimple akong sumulyap sa pwesto ni Emoji sa labas ng tindahan doon. Bahagya pa akong napasinghap dahil muli na namang nagtama ang paningin namin. Saktong sakto pa noong tumingin ako sa kanya. Mabilis kong iniwas ng tingin ko sa kanya.
Kinagat ko ng madiin ang pang ibaba kong labi. s**t naman, Sinag.
Inabot sa aking nung tindera iyong siomai ko. Kasalukuyan ko iyong nilalagyan ng mga condiments ng maamoy ko ang pamilyar na pabangong iyon.
"Siomai. Twenty pesos." Aniya sa napapaos na boses.
Sumulyap ako sa kanya, at tila ba nananadya ang tadhana dahil saktong sumulyap din sya sa akin. Kaagad akong umiwas ng tingin at binagsak ang mata ko sa siomai ko. Narinig ko pa ang bahagya nyang pagtawa dahil sa naging reaksyon ko.
Binuhat ko ang cup kung nasaan ang siomai ko at minadali ko ang paglalakad makaalis lang doon. At kahit anong bilis ko, alam kong nasa likod ko na sya.
Hindi na ako kumain ng hapunan sa kadahilanang busog na ako. Tumambay lang ako sa kwarto ko at inayos ang mga gamit ko.
Halos humaba ang leeg ko dahil narinig kong tumunog ang chat heads ng messenger ko. Binitawan ko muna ang mga papel na basura at lumapit doon. Si Rain pala, bakit daw hindi muna kami nagpakita ni Eli sa kanya bago kami umuwi. Hinayaan ko nalang sya at binalikan ang pag aayos ko.
Makailang ulit tumunog ang chat heads ko at ako naman si Tanga, nag eexpect na sana si Emoji ang magchachat sa akin.
Sumimangot ako. Tinapos ko nalang ang pag aayos at tinapon ang mga hindi ko na ginagamit sa basurahan. Nagpunas ako ng pawis at sinilip ang cellphone ko. Halos mahigit ko ang hininga ko sa pagbasa ko kung sino ang nagchat sa akin. Nasa unahan sya banda.
Lumunok muna ako bago ko kinuha ang cellphone.
Eris Jon Lausingco:
Eris Jon Lausingco:
Eiy.
Eris Jon Lausingco:
Busy?
Eris Jon Lausinco is waving at you. Tap to wave back.
Naupo ako sa kama ko at nag isip ng isasagot ko sa kanya. Hmm. Sa huli tinap ko nalang iyong wave back, ang bilis nyang na-seen iyon.
Eris Jon Lausingco:
San ka?
Tinatak ko sa utak ko ang sinabi ni Eli. Na huwag daw agad agad akong magrereply ng mabilis kay Emoji. Napaghahalataan daw ako.
Sinag Aguilar:
Bahay.
Eris Jon Lausingco:
RH tayo?
Sinilip ko ang oras sa side clock ko. Past eleven pm na. Sarado na sa bahay.
Sinag Aguilar:
Antok na ko. Ikaw nalang.
Tumayo ako at kinipkip ang cellphone ko sa waistband ng dolphin short ko. Nagtungo ako sa kusina at nagsalin ng gatas sa baso. Tumunog ang cht heads sa messenger.
Eris Jon Lausingco:
Tss. Lgi nalang.
Hindi ko na sya nireplyan at pinagpatuloy ang pagsasalin ng gatas sa baso. Paniguradong magagalit si Kuya kapag nalaman nyang binawasan ko na naman itong fresh milk nya.
Napatili ako ng tumunog ang cellphone ko. May tumatawag. Kunot noong tiningnan ko iyon.
Emoji's Calling...
My breath hitched. What does he want?
Inislide ko iyong answer button. Tumili muna ako ng mahina bago ko tumikhim.
"H-hello?"
[Anong ginagawa mo?]
Bakit ba kailangan sexy ang boses nya. Bakit?
"Uh, uminom lang ng gatas."
[Can you join me?]
Kinagat ko ang pang ibaba kong labi.
"Antok na ko. Matulog ka na din."
He growled. [I can't sleep. Ang dami kong trabaho.]
"So bakit ka nagrered horse?"
[Panglibang.] I can imagine him shrugged his shoulders.
Pinatay ko na lahat ng ilaw at pumasok na ako sa kwarto ko. Binuksan ko iyong maliit na lamp shade ko para magkaroon ng kaunting liwanag.
"Hmm.." Humikab ako.
[Sleepy?]
"Medyo."
I heard him took a deep sighed.
"I need to hang up. Gotta sleep. Good night."
[Alright.]
Iimik pa sana ako kaya lang naputol na ang tawag. Ngumuso ako at binuksan ang twitter application ko.
I'm not really sleepy. Naiilang lang kasi ako kapag tumatawag sya.
Pinalitan ko iyong username ko sa twitter. @Sinag_, puro scroll lang naman ang ginawa ko and such. Kasalukuyan akong nanunuod ng mga diy nang biglang may nagpoop out na chat heads. Medyo mabagal lumabas ang picture, pero may kutob na ako kung sino ito.
Eris Jon Lausingco:
I thought you'll be sleeping?
Eris Jon Lausingco:
Hey.
Eris Jon Lausingco:
Nahiga na ako sa kama at pinatay nalang ang data connection ng cellphone ko. Pagkatapos ay tumihaya ako at tumitig sa ceilling.
Hindi ko lang maiwasang mapaisip. Why would he bother chatting me or rather than call me at times like this? Tyaka noong nasa Lausingco Hotel ako, he would offer a ride for me to take me home. Ayokong umasa na baka may something syang nararamdaman cause of the kiss we shared years ago?
O baka naman may iba syang dahilan? Pero, aish. Ginulo ko ang buhok ko at pumikit. Hindi din naman nagtagal ay nakatulog na ako.
Nagising lang ako kinabukasan nang higitin ni Eli ang paa ko. Binaon ko ang mukha ko sa unan. At pinagsisipa ang paa ko.
"Eli naman!" I groaned.
"Wakey wakey na!"
"Ayoko!"
Patuloy pa din sya sa paghila sa paa ko hanggang sa malaglag na ako sa kama.
"Elizabeth!"
"Ateng, tanghali na kaya. Masyado mo atang kinakareer ang pagtulog."
Tumayo ako at pagbagsak na nahiga sa kama.
"Sinag, huy."
"Bakit ba?" Tanong ko habang nakapikit.
"Samahan mo ko sa bayan. Puhlease?" Nahiga din sya sa taas ko. "Please? Madali lang tayo."
"Mamaya nalang. Patulugin mo na muna ako." Niyakap ko iyong unan mo. "I need sleep."
Narinig ko ang buntong hininga nya.
"Osige. Babalik ako dito mamaya ha."
Pagkaalis nya, bumangon na ako. Medyo sumakit ang ulo ko dun. Pikit ang isang mata na sinilip ko ang cellphone ko. May tatlong message doon. Dalawa kay Eli, isa kay Emoji. Minulat ko ang isang mata ko.
Eli:
Baks, samahan mo ko sa bayan.
Eli:
Huy! Gising na!
Emoji:
Ey.
Kinusot ko ang mata ko at nilapag sa sidetable ang cellphone ko. Bumangon na ako at lumabas para kumain ng tanghalian, totoo ngang tanghali na kaya panay ang gising sa akin ni Eli.
Abot abot na sermon na naman ang natanggap ko kay Mama pagkagising ko. Na bakit daw tinanghali ako at ang sarap pa daw ng buhay ko. Gigising ng may pagkain na.
Sa huli, isang pandesal nalang ang kinain ko. Patayo na ako, nagalit na naman si Mama. Nag iinarte pa daw ako at bakit hindi pa kumain. Ano ba talaga, Mama?
Sinamahan ko si Eli noong hapon sa bayan. May kung ano lang na binili ang bruhang ito.
"Kamusta kayo ni Emoji?" Tanong nya habang naglalakad na kami papasok sa loob ng compound.
"Kamusta lang, walang kami." Umirap pa ako. Natawa naman si Eli. "Eh kayo nung jowa mo?"
Napaismid sya. "Wala na kami.
Minata ko sya. "Wis? Maniwala ako."
"Yup." Tumango tango pa sya.
"Ah. Okay." Sabi ko, hindi convince na wala na sila nung jowa jowaan nya.
"Ohlala." Aniya sabay yakap sa braso ko. "Tignan mo be."
"Anong pinagsasabi mo?"
"Ayun oh! Ang sarap."
Pinihit nya ang ulo ko paharap. Halos masamid ako sa nakita ko. Nakasandal sa gate si Emoji wearing his boxer only. Lumunok ako as I scan his whole being.
"s**t, ang sarap siguro maglambitin jan."
"Ssshh." Suway ko sa kanya kasi malapit na kami sa pwesto ni Emoji.
Suwabeng bumuga sya ng usok mula sa vape nya at kaagad na kumalat ang amoy ng strawberry sa paligid.
Animo'y parang tanga si Eli sa tabi. Panay ang suway ko sa kanya. Kitang kita ko pa sa gilid ng mata ko ang pagmasid si Emoji sa amin. Binilisan ko nalang ang paglalakad at hinila si Eli na namagnet na ata ang mata sa katawan ni Emoji.
"Pak na pak ang biceps. Nakita mo ba?" Sabi pa ni Eli.
"Tumigil ka na nga."
"Ay wit. Di ko naman sya aagawin sayo. Don't worry bebe, he's all yours."
Umirap ako sa kanya at bumitaw na sa pagkakayakap nya sa braso ko.
"Byeee." Kaway nya noong makapasok na ako sa gate namin.
Napailing nalang ako. Ang gaga talaga ni Eli kahit kailan.
Bandang gabi, may kaganapan daw sa simbahan mamaya dala na din siguro ng pagsalubong sa pagkabuhay ni Kristo. Inaya akong sumimba ni Ate kaso sabi ko baka masunog ako doon sa loob ng simbahan. Kidding. Bukas nalang siguro ako sisimba.
Kakatapos ko lang maghugas ng pinggan nang marinig ko ang boses ni Eli sa sala. Binabati nya sina Mama at Kuya. Pinunasan ko ang kamay ko at naglakad na patungo sa sala.
"Helloooo!" Energetic na bati nya.
"Hulaan ko, kayo na uli?"
"Nope. Pero may bago akong fling." Tinaas baba nya pa ang kilay nya.
"Ano bang bago?"
"Tara na." Hinila nya ako.
"Saan naman aber?" Kinunutan ko sya ng noo.
"Pupunta kasi dito iyong fling ko, hihi." Malandi nyang sabi.
Nagmake face ako at nagpahila sa kanya. Kahit naman humindi ako, hindi ako titigilan nito.
Patay ang ilaw sa labas ng mga Lausingco. Napanguso ako, baka wala sila jan? Hays, bakit ba concern mo iyon, Sinag?
Nakarating kami sa labas at may lalaking naka-motor doon sa may labasan. Lumingon sya sa amin ni Eli.
"Hi." Bati nya sa amin.
"Sorry kung matagal. Anyway, this is my friend, Sinag." Pakilala ni Eli. "Sinag, si Marious."
"Nice to meet you." Ngiti ko nalang. Tinanggap ko ang kamay nya para ishake hands.
"Eli, may ipapakita sana ako sayo. I hope you don't mind?" Ani Marious.
"Oh, talaga? Saan?"
"Madali lang, kaya pwede ko bang mahiram si Eli?" Baling sa akin ni Marious.
Kumurap kurap muna ako dahil nakita ko si Emoji na naglalakad galing sa kabilang kalye.
"Okay lang. Be, iwait mo ko ha. Madali lang kami." Hinalikan ni Eli ang pisngi ko.
"Mag iingat kayo." Sabi ko.
Naramdaman kong dumaan sa likudan ko si Emoji dahil naamoy ko ang usok ng vape. Tinigasan ko ang sarili kong huwag syang sulyapan.
Pinanuod ko lang na makaalis sina Eli at nawalan ng ingay sa paligid. Napabuntong hininga ako, mukha namang safe si Marious. Okay?
Nagpasya na akong pumasok na sa loob ng compound. Sumulyap muna sa ako sa simbahan, may mga tao na doon para sa simba mamaya. Lumakad na ako, sinilip ko ang cellphone ko sa para oras. Binuksan ko na din ang data nang maramdaman ko ang pagpatak ng ulan.
Tumingala ako. Aish, bakit ngayon pa? Huminto na muna ako sa may bubong at pinagmasdan ang paunti unting pagbagsak ng ulan sa sahig.
Eris Jon Lausingco:
Tara tambay?
Saglit akong tumitig sa screen ng cellphone ko. Tumunog iyon muli, this time galing naman sa tawag mula kay Emoji. Kamuntikan ko ng mabitawan ang cellphone ko.
Umangat ako ng tingin sa may gate nila, he's standing there while looking at me. Nasa may tenga nya iyong cellphone nya.
I blinked twice. Namatay na ang tawag.
Eris Jon Lausingco:
Titigan mo nalang ba ako?
Sinag Aguilar:
San tayo tatambay?
I bit my lower lip. Wala namang masama kung samahan ko syang tumambay diba? Pagbibigyan ko lang ang sarili ko.
Tumunog ang chat heads.
Eris Jon Lausingco:
Kahit saan. Sa kubo sa may grahe namin?
Makailang beses kong kinalma ang sarili ko. This is not the first time, okay?
Sinag Aguilar:
Awkward. Maraming tao na dumadaan.
Pasimple kong hinanap ang grahe nila at ang kubo kung saan sila madalas na tumatambay ng mga pinsan nya.
Eris Jon Lausingco:
Walang dumadaan doon masyado. Let's go.
Nakita ko syang lumabas ng gate nila. He's still eyeing me. Sumenyas sya na sumunod ako sa kanya. Agad na tinambol ang puso ko ng kaba. Parang napanaginipan ko na to ah! Ano, dejavu lang?
Eris Jon Lausingco:
Where are you?
Wala sa sariling lumakad ako pasunod sa kanya. Walang dumadaan na tao sa paligid kaya nilakihan nya ang bukas ng gate.
"Madilim?"
"It's okay. You have me."
Pumasok ako sa loob at kahit madilim, alam kong malawak ito. May tatlong sasakyan doon na kulay puti at isang itim. Wow, di sila na mayaman. Kahit apat ang sasakyan doon, ay malawak pa din ang space.
Napatili ako ng may dalawang aso ang tumahol sa akin. Nawalan ako ng balanse, kundi lang ako nasalo ni Emoji sa baywang ko.
"Watch out."
"Ay!" Dinilaan ako noong isang aso sa paa ko kaya mabilis akong nagtago sa likod ni Emoji.
I heard him chuckled before shooing the dogs.
"C'mon, don't scare her."
Hinila ko iyong manggas ng tshirt nya kasi masama pa din ang tingin sa akin nung isa sa mga aso.
Hinawakan nya ang likod ng baywang ko para igiya ako dun sa kubo. Typikal na kubo iyon sa may gilid ng grahe. Mas nauuna pa ako sa kanya sa paglalakad dahil patuloy na tumatahol ang mga aso.
"Baka pumasok ang Dad mo dito." Sabi ko nang makaupo na ako.
"Hindi. May inaasikaso yun." Sagot nya sabay upo sa tabi ko.
Napapitlag ako kaya umurong ako ng konti kaso mabilis nyang nahila ang baywang ko palapit sa kanya dahilan para mapahawak ako sa braso nya.
Dinambol na naman ng kaba ang dibdib ko. May hint na ako kung anong mangyayari ngayong gabi. Lumunok lunok ako.
Tinagilid nya ang ulo nya. Then he lifted the side of his lips, forming into a smirked.
"Kapag may naamoy kang mabaho, umutot ako ha?" Tanong ko para mabawasan man lang ang awkward air.
"Utot lang pala." Napapaos na ang boses nya. Muli na naman akong napalunok.
"Kahit na. Mabaho iyon." Dagdag ko pa.
"Wala namang mabangong utot."
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at halos hindi ko na masundan ang bilis ng t***k ng puso ko.
Hinaplos nya ng bahagya ang baywang ko dahilan ng pagkakaigtag ko. Nagulat pa ako nang hawakan nya ang baba ko at hinarap ang mukha ko sa kanya.
Kumurap kurap muli ako, I can cleary smell his minty breath mixed with strawberry flavored of his vape. My instict told me to look away, kaya umatras ako, pero bago ko pa magawa iyon ay naramdaman ko ng lumapat ang labi nya sa labi ko.
Bahagyang nanlaki ang mata ko dahil doon. I never thought that his lips are soft. Dinaig nya pa ata iyong akin. He slowly move his lips on mine. Napahawak ako sa kamay nyang nasa pisngi ko. Lumayo ako ng marahan sa kanya.
He eyed me. Medyo mapungay ang mata nya.
"Wait lang, hindi ako marunong nito." Sabi ko.
"I'll teach you. Just kiss me." Paos na paos na ang boses nya.