-Patrick- Mahigit sa tatlong oras din ang binayahe namin papunta sa isang lugar kung nasaan si Paloma, tahimik ang naging paglalakbay naming tatlo at kasama ko na rin ang ibang tauhan ni Enzo na ipinasama nito sa akin ng sa ganoon ay maging ligtas at maayos ang pagbawi namin kay Paloma. Malalim ang aking pag-iisip ng tumawag sa akin si Enzo. “Malapit na ba kayo, Patrick?” Tanong ni sa akin sa walang buhay na boses. “Oo, narito na rin kami.” Simpleng sagot ko dito na ikinalingon ko naman sa malaking building na malapit rin sa kagubatan. Kung titignan mabuti at para lang itong lumang pabrika na inabanduna ng matagal na panahon at kung rin ako nagkakamali ay ito rin ang unang pabrika nap ag-aari ng mga Velasco. Nalugi ito at sa pamilya ko sinisisi ang kanilang paghihirap, sa totoo lang ay

