-Patrick- Napapahilamos na lang ako sa aking mukha ng basta na lang ako iwan ni Paloma dito sa loob ng office ko kanina. Hindi ko na rin ito nagawang sundan pa dahil alam kong galit naman ito sa akin at siguradong babarahin lang ako nito, nagiging madalas an gaming pagtatalo ng dahil na rin sa kakagawan ko. Muli naman bumaling ang tingin k okay Madeline na hanggang ngayon ay natutulog pa rin sa sahig at mukhang matagal pa rin naman itong gigising. Napabuntong hininga na lang ako ng malaman kong si Bella ang may gawa nito sa dalaga, isa ring pasaway ang babaeng yon at hindi ko lang ito mapatulan dahil na rin sa kaibigan ko ang kapatid nito at alam kong gagantihan ako nito oras na kalabanin ko ito. Makaupo lang ako sa aking swivel chair ng pumasok naman si Sabino na may dalang isang timbang

