-Paloma- “Salamat sa pagsundo sa akin Red.” Sambit ko sa kaibigan ko at saka tinanggal ang suot kong helmet na pinahiram nito sa akin. “Iniiwasan mo yung tao, pero mamaya lang kakatok naman yan sa pintuan mo at s’ympre pagbubuksan mo. Para kayong mga bata sa ginagawa n’yong dalawa? Bakit hindi n’yo na lang kasi ipaglaban yang mga nararamdaman n’yo ng sa ganoon ay maging happy ending na rin kayo?” Pagtatanong nito sa akin at hinaluan pa ng pagngisi na ikinaiwas ko naman ng tingin dito. “Okey, sana kung ganoon lang kadali ang lahat, Red. Wala ka kasing alam kaya nasasabi mo ang mga bagay na yan, sa totoo lang ay mahirap kalaban ang puso kaso wala rin naman ako magagawa kung hindi ang umiwas at kalimutan na lang ang pagkagusto ko sa mokong na yon.” Sambit ko sa mahina at walang buhay na b

