-Patrick- Pagkatapos ng ilang araw na pamamahinga sa loob ng mansion ko ay pumasok na rin ako sa trabaho, marami pa ang nagulat sa akin dahil sa maaga kong pagpasok at malamig ang tingin ko sa lahat. May narinig pa akong mga bulungan ngun’t hindi ko na lang yon pinansin pa hanggang sa makapunta na ako sa mismong office ko at nakita ko pa si Wilson na kinukulit nito ang kanyang asawa na si Gina. Oo kinasal na rin ang dalawa at ngayon nga ay buntis na rin ang babae, napailing na lang ako sa dalawang ito dahil mukhang nagtatampo naman si Gina sa kaibigan ko. Nang dahil na rin sa biglaan nitong pabubuntis ay mas naging mainitin ang ulo nit okay Wilson at halos ayaw din nitong makita ang kaibigan ko. “Honey, naman gusto ko ng umuwi sa bahay nating dalawa….hindi mo ba ako namimiss my wife.” Pa

