-Patrick- Halos manglabo na rin ang mata ko dahil sa pag-iyak ko na hindi ko na rin naman mapigilan pa. Mabigat ang loob ko na umalis ng lugar na yon dahil sa ang buong akala ko ay magagawa kong mabago ang lahat, ngun’t nagkamali ako at dahil din don ay minabuti ko na lang muna lunayo at mag-isip-isip. Wala naman tigil sa pagtunog ang phone ko at halos lahat sila ay tinatawagan ako maliban lang sa isa. Kinabukasan ay nagising akong nasisilaw sa sikat ng araw at naririnig ko ang alon ng dalampasigan. Hanggang sa napagtanto kung nasa isang beach ako na isa rin sa mga pinagagawa ko ngayon para sana kay Paloma at sa aming bubuuing pamilya. Wala pang nakakaalam sa lugar na ito dahil sa gusto ko itong iregalo sa aming kasal at dito ko rin sana ganapin ang aming honeymoon, pero ang lahat ng pan

