-Patrick- Sa halos ilang buwan kong pagtulong sa pagsasaka sa lupain nila Paloma, ay natutunan ko kung gaano kahirap ang kanilang ginagawang trabaho makapagtanim lang ang palay na pwdeng maging bigas at isaing ng karamihan. Nalaman ko rin na hindi magiging madali ang lahat lalo na kung pano-pano ang kanilang pagtatanim, meron naman mga makina para sa pagsasaka pero s’ympre sa hirap ng kanilang mga buhay ay hindi lahat ay kayang magkaroon ng ganoong klaseng kagamitan. Ngun’t ibang klaseng saya naman kapag nakikita mong masagan ang kanilang mga ani at kapag alam nilang malaki ang kanilang magiging benta. Nagkaroon pa nga ng pagsasalo ang mga magsasaka dahil sa naging malaking kinita ng bawat-isa sa kanila. Nagbigay naman ako ng ambag sa magiging handa nila ng sa ganoon ay mas maging masaya

