Chapter 8

2060 Words
-Patrick- Wala akong nagawa kahapon ng basta na lang umalis ng sasakyan ko si Paloma, hindi ko akalain na magagalit ito sa naging turing ko sa kanya. Sa totoo lang ay natutuwa akong asarin ito dahil sa napapanguso pa ito, at naaakit akong halikan ito sa kanyang labi ng sa ganoon ay tuluyan na rin akong maalala nito. Nagtataka talaga ako dito dahil bakit hindi talaga ako nito maalala at kung bakit ganoon na lang din itong kaiwas na makatabi ito sa akin na animoy may sakit akong nakakahawa. Mas lalo lang akong nagawa ng iwan ako nito sa loob ng aking sasakyan at tanawin ko na lang ito na sumakay ng kanyang kotse, galit man ako ay kailangan ko pa rin magpigil dahil baka makagawa naman ako ng hindi maganda sa babaeng yon. Nagpahatid na lang ako sa bahay ko at pinauwi ko na lang din muna si Sabino at sinabing bukas ng maaaga n’ya ako balikan at kailangan kong pumasok ng maaaga. Tumango lang ito at inayos ang parada ng kotse ko sa loob ng garahe ko. Nasa loob na ako ng aking kuwarto ay dahil sobrang aga ko lang ngayon ay wala pa ring mga employee ang naririto, tanging mga guard lang ang nakikita ko ngayon at maging si Ms. Garcia ay wala pa rin dito. Hanggnag sa lumipas pa ang halos dalawang oras ay naramdaman ko na rin ang pagdating ni Ms. Garcia, subalit alam kong mag-isa lang ito ngayon at aaminin kong umaasa pa rin akong babalik pa dito si Paloma. Subalit nagulat ako ng may kumatok sa labas ng aking pintuan at sumagot lang ako ng “come in” ng sa ganoon ay malaman nitong pwde na s’yang pumasok. Subalit halos mabitawan ko ang ballpen na hawak ko ng makita ko si Paloma na may dala ng mga folder at mukhang ito rin ang magrereport sa akin ngayong araw. Napatingin ako dito at mababakas naman dito na nahihiya itong tumingin sa akin, pero alam nitong kailangan pa rin nitong gawin kung ano man ang kanyang trabaho naman napabuga pa ito ng kanyang hininga bago pa man ito muling magsalita sa akin. “Good morning po, Mr. Sandoval. Narito po pala ang mga report na kailangan n’yong makita. Nagawan ko na rin po ng schedule at lahat na nagrerequest ng appointment sa inyo hanggang Friday po. Pag-aralan n’yo na lang po at pakisabi na lang kung may gusto kayong ipabago sa mga report na binigay ko po. Anyan na rin po pala ang proposal ng Solidad Company.” Magalang nitong salita na may kasamang pag-iingat sa bawal salitang kanyang inilalabas. “Sige, iwan mo na lang yan at mamaya ko na lang titignan.” Simpleng sagot ko dito at saka naman ako tumayo ng sa ganoon ay malapitan ito. Pero naalisto naman ito at bahagyang umiwas sa akin na muli kong ipinagtaka sa dalaga. “Why?” Isang tanong na maraming ibig sabihin. “Wala naman po Sir. Hindi lang ako sanay makipag-usap sa boss ko na malapit sa akin.” Sagot lang nito at mababakas na rin naman dito ang kaba na hindi ko alam kung saan nanggagaling. “Kung ganoon, wag mong isipin na boss ako at employee kita.” Preskong sagot ko dito at naupo sa isang coach na naroroon. Pinakatitigan ko pa ito ng sa ganoon mabasa ko ang nasa isipin nito. “Mr. Sandoval, nasa loob ako ng kompanya mo at tinaggap mo lang ako dito para maging employee mo at hindi para maging babaeng lalandi lang s’yo.” Pagmamataray nitong tugon at saka umalis ng hindi man lang inantay ang sasabihin ko. Napahampas na lang ako sa aking kinauupuan dahil mukhang hindi ko ito makukuha ng ganoon din kadali, napapakuno’t pa ang aking noo at napapahimas sa akin batok dahil sa isiping hindi talaga ko nito nakikilala. Lumipas pa ang ilang oras at nanatili pa rin ako sa loob ng aking office, hanggang sa dumating ang mga kaibigan kong mga pasaway sa buhay ko. “Dude, wala ka ba talagang balak na umalis yan sa swivel chair mo buong araw?” Banat na tanong sa akin ni Wilson at bigla na lang din pumasok ng walang paalam sa office ko. “Oo nga, ang balita namin si Lloyd ang broken hearted at hindi ikaw? Pero ikaw itong nagkukulong sa apat na sulok ng office mo.” Mapang-asar na tanong naman sa akin ni Alex na ngayon ay kumukuha pa ng alak sa mesang malapit sa may bintana ko. “Wala kong panahon lumabas lalo pa kung maari akong inaasikaso. Saka ayokong matulad sa inyo na puro alak at pangbabae ang alam ng mga utak.” Galit at inis kong sagot sa mga ito na tinawaan lang ang aking sinabi. Napapailing na lang ako dahil sadyang makukulit ang tatlong ito. At kung hindi ko lang talaga kilala at mga kaibigan ang mga ito at matagal ko na rin ito pinatumba sa kaibigan ko ring si Enzo De Lana at kilalang isang mafia boss. “Well, maiba tayo alam n’yo bang may nakita ko sa labas kanina na magandang babae na kasama ni Ms. Garcia at mukha rin na ito ang papalit dito pangsamantala. Kasi diba may leave vacation ang magandang secretary ng siraulo nating kaibigan? Sa tingin n’yo magpakilala kaya ako mamaya sa kanya at yayain ko ng date sa tingin n’yo papayag kaya yon?” Nakangiting tanong ni Nikko sa mga kaibigan namin. “NO” Madiin kong sabat dito at tinigan si Nikko ng masama na animoy kaya ko itong patayin ngayon sa pamamagitan ng tingin ko lang. “Anong NO kaya yan? Eh! secretary mo lang namn s’ya at hind imo girlfriend. Alam mo ikaw makapagbantay ka sa mga employee mo akala mo lahat sila pagmamay-ari mo.” Inis na rin na tugon sa akin ni Nikko at napatayo pa rin ito sa aking harapan. “Dahil kilala ko kayong tatlo ay alam ko ang karakas mo Nikko. Bakit ilang babae na ba ang kaya mong ikama sa loob ng isang gabi ha? At ilang babae na rin ba ang sineryoso o kung mas magandang itanong kung may sineryoso ka na nga ba?” Nakamata kong tanong dito at pinakita ko dito na hindi ako natutuwa sa kung ano ang balak nito kay Paloma. “Naku naman kayong dalawa mga pikon talaga kayo. Dude, tandaan n’yo walang babae ang makakasira sa samahan nating apat. Saka ikaw naman Patrick, malay mo naman nagbago na itong si Nikko at isang babae na lang s’ya kada gabi.?” Nakakalokong turan ni Wilson sa pagitan naming dalawa ni Nikko. “Isa ka pa eh!” Banat ni Nikko kay Wilson dahil sa mga sinabi nito sa kanya. “Alam n’yo mabuti pa uminom na lang kayo ng sa ganoon ibang init ang lumabas yan sa mga katawan n’yo at hindi puro galit na walang pupuntahan.” Sabat naman ni Alex at inabutan kami ni Nikko ng bason a may lamang alak na kanina pa nito isinalin. “Tama dito na lang tayo mag-inom tutal naman ayaw ni Patrick na lumabas di ba?” Katwiran naman ni Wilson at saka tumingin sa akin ng may magandang ngiti sa kanyang labi at tumataas baba rin ang kanyang kilay. Pagkakasabi ni Alex ay tinawagan nito ang kanyang secretary baka dalhan pa kami ng ilang alak ay pagkain at desidido na silang dito uminom sa office ko. At dahil din doon ay nagtext ako kay Ms. Garcia na maaga na lang sila umiwi dahil sa magkakaroon ng inuman dito, ok lang ang naging sagot nito sa text ko kaya naman kahit papaano ay napanatag akong hindi makikita ng mga kaibigan ko ulit si Paloma. “Alam mo Dude, kanina ng makita ko ang sinabi ni Nikko na babae mukhang familiar kaya lang ay hindi makita kung saan ko nga ba s’ya nakita?” Takang tanong sa akin ni Wilson habang umiinom ng alak na hawak nito. “Hindi ko alam yang sinasabi mo, pero isa lang ang sigurado ko hindi s’ya isa sa mga naging babae mo o nakasama mo sa kama.” Walang buhay kong tanong dito na ikinasama naman nito ng tingin sa akin at pinalo ako sa balikat. “Ang sama mong kaibigan kahit na kailan. Nagtatanong ako s’yo tapos hahaluan mo ng kalokohan. Yan ka nga at wala kang kuwentang tao.” Kunwaring galit nito sa akin at saka nagtaas pa ito ng middle finger habang humahakbang palayo sa akin. Nakatayo naman ako sa may bintana at bigla na lang sumagi sa akin ang magandang ngiti ni Paloma na hindi ko talaga makalimutan lalo na habang nasa bisig ko ito ng gabing nakuha ko ito. Gustuhin ko mang ikulong ito ngayon ay alam kong hindi naman ito papayag at baka mas lumayo lang ito kung sasabihin ko dito ang lahat. Nagtagal pa ang inuman namin ay ang kuwentuhan ay nauwi naman sa asaran subalit wala ng napipikon, hanggang sa hindi ko na rin namalayan na inabot na rin kami ng umaga at talagang sumama ang pakiramdam ko at hindi ko na rin nagawang umuwi ng bahay dahil sa daming kong nainom kagabi. “Sir, gising na po. Sir, kailangan n’yo na pong maligo at ang baho na ninyo amoy kayo alak at siguradong marami kayong nainom kagabi.” Salita ng isang babae sa akin na ikinadilat naman ng aking mata. Napangiti pa ako dahil si Paloma ang nakikita ko. Hinila ko ito at napapatong naman sa akin, hinaplos ko pa ang maganda nitong mukha at ikinulong ko lang ito sa bisig ko. “Ang ganda mo talaga, alam mo bang unang kita ko pa lang s’yo noon sa bar ay nabighani mo na agad ang puso ko. Gusto kitang palaging nakakasa subalit hindi mo naman ako maaalala, naguguluhan pa nga ako at baka nagjojoke ka lang na hindi moa ko matandaan at hind imo rin alam kung ano ang ginawa nating noong nakaraang gabi. Bigyan moa ko ng pagkakataon na ipakita s’yo na mahalaga ka rin sa buhay ko. Please, alalahanin mo naman ako.” Sambit ko sa malambing na boses at niyakap ito ng mahigpit. Ngun’t bigla na lang ako napatingin sa may pintuan at nakita ko roon nakatayo si Ms. Garcia at kasama si Paloma na may dala ng folder. Nagtataka pa ako dahil sa isiping sino ang kayakap ko ngayon samantalang nakikita kong nakatayo ang babaeng buong akala ko ay kayakap ko. “Ms. Ramona, at Sir. Ano pong ginagawa n’yo?” Dinig kong tanong ni Ms. Garcia sa amin ng babaeng nasa ibabaw ko. Subalit humikpit naman ang yakap sa akin ng babae at nagsalita pa ito sa akin. “Yes, Mr. Sandoval bibigyan kita ng pagkakataon na maipakita sa akin kung gaano moa ko kamahal.” Masaya pa nitong tugon na ikinatayo ko naman at ikalis sa yakap nito sa akin. “Wait, who are you?” Taka at gulat kong tanong sa babae na ngayon at lumalapit sa akin at gusto ko naman patukan ang aking sarili dahil sa ibang babae ko nasabi ang gusto kong sabihin para kay Paloma. Ang buong akala ko lang talaga ay siya ang babaeng nasa aking harapan kaya nasabi ko dito ang mga bagay na hindi maiisip na mababanggit ko. “Mr. Sandoval, ako po Marlyn Ramona ang head ng accounting department. Nagpunta ako dito para sana dalhin ang ilang report, subalit pagpasok ko dito at nakita ko kayong tulog at mukhang nakainom pa po. Nagulat na lang ako ng bigla mo akong kayapin at halikan.” Nahihiya at kinikilig nitong salita sa akin. Nanglaki naman ang aking mata at halos mamutla na rin ako dahil sa sinabi nitong hinalikan ko s’ya, samantalang wala akong maalala na hinalikan ko ang babaeng ito. “Ahmm, sorry po wala akong maalala na hinalikan kita. Mabuti pa kalimutan mo na lang ito at ayokong may makakaalam nito, maliwanag ba? Walang nangyari at alam kong ginawa ko kanina.” Paninigurado ko dito at saka naman ako tumingin kay Paloma na walang mababakas dito na kahit na anong imosyon. Nagtaka pa ako dahil sa wala man lang ito reaksyon sa kanyang nakita, ganito ba talaga ng babaeng ito magaling magtago at magpanggap. Umiiyak namang lumabas ng office ko si Ms. Ramona at napahilamos na lang ako sa aking mukha at muling napaupo dahil mukhang may bago naman akong problema na hindi ko inaasahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD