Chapter 7

2115 Words
-Paloma- Pagkatapos magsalita ng boss kong lalaki sa mga ka-meeting nito ay hinawakan na rin nito ang kamay ko at basta na lang din ako nito hinila sa palabas sa private na room. Napatingin pa ako sa kamay naming magkasikop na hindi man lang talaga nito inalis hanggang sa makasakay kami sa kotse nito. Kaya naman ako na lang din ang nag-alis nito at baka kung ano pa ang isipin ng driver nito sa aming dalawa ayoko pa naman magkaroon ng kahit na anong issue sa kanya at baka malaman ng mga taong nasa paligid naming kung ano nga ba ang meron sa aming dalawa. “What?” Inis nitong tanong sa akin ng hilahin ko ang kamay ko sa palad nito. “Wala naman pong dahilan para hawakan n'yo ang kamay ko, Sir.” Kalmadong sagot dito at umiwas lang ng tingin dito, dahil hindi ko kayang basahin ang mga nagiging tingin nito sa akin ngayon. Sa tuwing tititig kasi ako sa mata nito ay parang mag kahulugan akong nakikita na hindi ko talaga maunawaan kung ano nga ba yon. Narinig ko na lang ang mahina nitong paghinga at nakita kong napakuyom din ang kamay nito na malapit lang din sa akin. Nanahimik naman ako ng biglang tumunog ang phone ko at ang kaibigan kong si Gina ang caller ko. “Oh. Gina napatawag ka?” Walang buhay kong tanong dito. At saka binalik ko ang tingin sa may bintana. “Ano ba naman klaseng tanong yan, Paloma? Baka nakakalimutan mong kasama mo ngayon ang boss natin kaya dapat lang ay umayos ka kung ayaw mong mawalan ng trabaho.” Sita nito sa akin at napakamot pa ako sa aking ulo, mahina naman akong napabuga ng hangin dahil sa naging turan nito sa akin sa kabilang linya. Grabe din ang kaibigan kong ito at talagang ipapamukha sa akin na kailangan ko talaga ng trabaho ngayon. “Oo na po Ms. Garcia, may kailangan po ba kayong pag-utos sa akin?” Kunwaring ikinatutuwa ko itong kausap kahit pa naiinis na rin ako dito. “Ok sige ganito, may next meeting si Mr. Sandoval at kailangan mong pakinggan ang sasabihin ng kanyang mga ka-meeting at kung pwede I take down note mo na lang yan sa hawak mong i-pad maliwanag ba, Paloma?” Paliwanag nito sa akin na mas ikinaiinis ko dahil sa mga bilin nitong alam ko na rin naman na. “Sige po Ms. Garcia gagawin ko po.” Sagot ko na lang dito na kalmadong boses at saka napatingin naman ako sa katabi kong lalaki na ngayon ay nakapikit ang mata at mukhang nakatulog na rin naman. Ilang minute pa akong nakatingin dito dahil sa hindi ko mapigilan ang matuwa dahil sa nakikita kong kagandahan nitong lalaki. Para itong isa mga great of god na mapapanood sa mga movie, ang matangos nitong ilong at mapupulang labi na animoy palaging may nakalagay na lipstick. At ang katawan nitong pumuputok sa mga muscle. Subalit halos alisan naman ko ng dugo ng makita kong nagising ito at magsalita sa harapan ko. “Talagang bang ganyan ako kagwapo para matulala ka naman sa akin, well alam kong kahit na sinong babae aty matutuwa na makuha ang tulad ko pero sorry na lang dahil may isang babae na ang nakakuha sa puso ko.” Mayabang nitong sagot sa akin na mas ikinainis ko dito dahil sa bilib nito sa kanyang sarili na hindi ko naman akalain na kaya din nitong magyabang sa harapan ko. “Sorry po, pero nais ko lang sabihin na pinaalam naman ni Ms. Garcia na may next meeting kayo at doon daw po kayo dadarecho ngayon bago kayo bumalik ng office.” Pagtataray ko naman dito. At akmang sasabihin ko na sana kay Sabino kung saan ang next meeting location ay bigla naman sumingit ang boss naming may topak sa pag-iisip. “Sabino, darecho tayo sa bahay.” Seryoso nitong sambit sa akin pinagtaka ko naman dito. Napabuka na lang ang bibig ko dahil sa sinabi nitong uuwi na ito ngayon sa bahay at ano naman kaya ang naiisip ng mokong nito.? “Sir, narinig n’yo po ba ang sinabi ko?” Taka at naiinis kong tanong dito. “Yes, narinig kita at hindi ako bingi. Saka ako ang boss kaya naman alam ko lahat na schedule na meron ako sa isang araw o kahit pa ang isang lingo yan.” Sagot nito sa akin at pumikit na parang wala lang din dito ang kanyang sinabi. “Alam mo pala ang lahat eh, bakit bakit kailangan mo pa ng mga tauhan magaling ka rin pala.” Bulong ko sa aking sarili at napapanguso pa ako dahil sa mga sinabi nitong nakakabuwisit talaga. “Kayo ang nag-aaply sa kompanya ko at alam kong kailangan n’yo ng trabaho kayak o kayo tinanggap. Wala ka pang isang araw ng tatrabaho pero kung makapagreaklamo ka wagas.?” Sagot nito at pumaling ang tingin nito sa akin na ikinalaki pa lalo ng aking amta dahil tinaman ako sa sinabi nito at nagtataka pa rin ako kung paano nito narinig ang aking sinabi gayong mahina naman ang pagkakasabi ko noon. “Tama ka kailangan naming ng trabaho pero hindi naming kailangan ng boss na mag magaling pa sa lahat at kung tignan kami ay para lang kaming mababang tao. Saka FYI lang ha, hindi ako nag-aaply sa kompanya mo nagulat na nga lang ako at pinapunta ako ni Gina sa kompanya po at sinabi nitong ipapasok ko bilang secretary ng kanyang boss. Ayoko pa nga sanang pumunta kaninang umaga dahil nakakaramdam ako ng hindi maganda, yon pala ganito lang ang mangyayari. At kung ayaw mo eh, di wag…hindi ko isiksik ang sarili ko sa isnag taong ayaw naman sa akin.” Galit kong salita dito at habang nakahinto kami sa gitna ng stop light ay bumaba ako dahil hindi ko na rin mapigilan ang aking sarili lalo pa at gusto kong suntukin ang mukha ng lalaking yon. Mabilis akong pumara ng taxi ng sa ganoon ay makalayo ako sa lalaking yon. Kung magasalita akala mo kung sinong magaling, naiinis pa ako dahil kung bakit sa ganoong klaseng lalaki pa ang nakasama ko. Mabilis naman akong nakarating sa apartment at napahinga na lang ako ng malalim ng makapasok na rin ako ng bahay. Naupo muna ako sa maliit kong sofa at napahilot akong sa aking ulo dahil sa nakaramdam ako ng sakit noon. Ilang sandal pa akong nasa ganoong ayos ng maraning kong tumunog ang cellphone ko at inaasahan ko na rin na si Gina ang tatawag. “Alam kong pagagalitan mo ako, pero sana pakinggan mo na lang muna sana ako, Gina.” Malungkot kong sambit dito at naupo naman ako ng ayos sa kama ko dahil sa alam kong nais ako nitong makausap. “Ano bang pinagsasabi mo? Bakit naman kita pagagalitan samantalang sianbihan pa nga ako ni Mr. Sandoval na hayaan daw mun akita ngayon dahil nalaman n’yang masama ang pakiramdam mo. Ikaw naman kasi bakit hind imo sa akin sinabi na masama na pala ang pakiramdam mo eh, di sana ako na lang ang sumama sa mga meeting kanina ng boss natin. Sige na tumawag lang naman ako kung kamusta na yang pakiramdam mo at kung kaya mo pa bang pumasok bukas? Pero wala naman kasi schedule sa labas si Mr. Sandoval at dito lang s’ya sa oofice buong araw.” Paliwanag sa akin ni Gina, na ikinatanga ko lang din sa kabilang linya. Ibig sabihin hindi sinabi ng binate naming boss ang totoong nangyari at mas nagpagulo iyon sa isip ko. Samantalang kanin kung magsalita ito sa akin parang sinusumbatan pa ako nito at kung bakit ako narito sa kanyang komya. “Gina, sorry pero kasi…...” Hindi na ako nito pinatapos at agad nagsalita sa kabilang linya. “Ayos lang kung hindi mo pa kayang pumasok bukas, fast learning ka naman kaya ayos lang kung mag absent ka na lang muna. Sinabihan din ako ni boss na h’wag muna kitang pumasok. Ok sige na pahinga ka na, ilove you best!” Masaya pa nitong tugon sa akin ng mas ikinatulala ko lang din dito. Nagbuga na lang ako ng hangin at muling napahiga sa aking kama. Hindi ko na alam ngayon kung ano ang gagawin o sasabihin ko, at aaminin kong naiinis pa rin ako sa lalaking yon dahil sa hindi ko kayang basahin ang takbo ng utak na nito. Kinabukasan ay nagdadalawang isip pa rin ako kung papasok nga ba ako o hindi, passado alas-siyete na rin ng umaga at alas-nuwebe pa ang pasok ko at kung kikilos na ako ngayon ay hindi ako malalate dahil malapit lang din naman ang office ko at halos thirty minutes lang ang bayahe ko at isang sakay lang ng jeep ito. Nag-iisip pa ako habang umiinom ng kapeng mainit, nagmuni-muni pa din ako hanggang sa magtext sa akin si Gina, at nagtatanong kung makakapsok ako ngayon. Hindi na lang muna ako nagreply at inayos na lang muna ang aking sarili at naisip kong kawawa naman ang kaibigan ko kung wala itong makakasam. Titiisin ko na lang ang boss naming pinaglihi sa sama ng loob at may galit sa mundo, napapailing pa ako habang nasa bayahe at ng bumaba naman ako ng jeep ay nagmamadali pa akong pumasok ng sa ganoon ay hindi ko makita ang boss namin, ayokong makasabay ito sa elevator dahil tiyak na sira naman ang araw ko kung mangyayari yon. Saktong pagdating ko sa floor kung saan ako nag-oofice ay nakita ko si Gina na busy na rin sa maraming bagay. “Good morning, Ms. Gracia” Pormal kong bati dito at saka ngumiti ng tipid. “Good morning din s’yo Ms. Solomon. Ok na ba ang pakiramdam mo?” Ganting pormal nito sa akin, naiilang naman ako subalit kailangan naming maging pormal sa isa’t-isa habang narito kami sa loob ng kopany. Ngumiti lang ako dito at saka naman ito lumapit sa akin para salatin pa ang noo ko kung mainit pa baa ko o kung may sakit pa rin ako. “Mukhang ok na rin naman, sige hahayaan kitang magtrabaho ngayon. Subalit kapag alam mong hindi mo kaya ay magsabi ka agad sa akin, maliwanag ba?” Paninigurado pa nito sa akin, tumango lang ako dito at saka nagpunta sa pwesto para magsimula na ring matrabaho. “Nga pala unahin mo na lang munang i-record ito sa file na binigay ko s’yo at kailangan yan ni Mr. Sandoval bago mag lunch time.” Baliwala nitong sambit sa akin at naupo naman sa kanyang mesa. “Dumating na ba si Mr. Sandoval?” Mahina kong tanong dito na ikinalingon naman nito sa akin. “Oo, Tuesday ngayon kaya naman wala pang alas-sais ay narito na s’ya para magtrabaho.” Sagot nito sa akin na ipinataka ko naman dahil sobrang aga nito pumasok ngayon?” “Pero bakit ganoon s’ya kaagang pumasok? Ang sab imo wala naman s’yang meeting sa labas di ba, kaya bakit ganoon ito kaaaga ngayon?” Takang tanong ko dito na ikinalingon naman nito sa pintuan ng aming boss na animoy nakikita ang binate nito doon. “Ang totoo ay hindi ko rin alam kung bakit s’ya maagang pumapasok kapag araw ng Tuesday sa tagal ko na rin naman dito ni hindi ko natanong sa kanya ang dahilan nito. Basta tinandaan ko na lang kung anon goras s’ya pumapasok at ginawa kong mabuti ang trabaho ko ng sa ganoon ay hindi naman ito mahirapan. Sa totoo lang Gina, mabait si boss kahit na kung minsan ay nakikitaan ito ng kasungitan o pagiging mahigpit sa kanyang mga trabahador.” Salita nito sa akin habang nag-aayos na ito ng ibang folder na madalas naman nitong gawin sa umaga. “So, ibig sabihin maaga ka ring pumapasok kapag araw ng Tuesday?” Tanong ko na may kasamang paninigurado dahil kung maaga ito at natitiyak ko rin kailangan kong pumasok ng ganong oras. “Hindi, hindi naman n’ya ako inunubligang pumasok ng maaga. Basta ang gusto lang n’ya pagpasok ko ayusin ko ang lahat ng mga natapos n’yang trabaho ay ibibigay ko naman sa kanya ang bagong mga report na madalas ay galing sa accounting department. Mahigpit kasi ang boss natin sa lahat ng record lalo na sa accounting, gusto n’ya kasi palaging nakikitang balance ang lahat ng account na meron s’ya lalo na kung may pinagagawa itong bagong mga hotel at restaurant.” Dag-dag na paliwanag nito sa akin. Napahinga naman ako dahil buti na lang hindi ko ito kailangan sabayan sa pagpasok dahil ayokong makasama ito na ganoon kaaga at kami pa lang dalawa ang narito sa loob ng kanyang office. Ibinaling ko naman ang ulo dahil sa pag-iisip ko na hindi maganda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD