Chapter 6

2074 Words
-Paloma- Malalim na buong hininga ang pinakawalan ko ng makalabas na kami ng office ng magiging boss ko, at kung bakit naman sa dami-daming lalaki sa mundo bakit ang lalaking yon pa ang magiging boss ko. “Ganito ba talaga kalupit ang tadhana para sa akin, anong baka kasalanan ko ay nangyayari ito sa akin.” Nasa tinig ko sa aking sarili ngun’t mahina lamang ito. “Ayos ka lang ba, Paloma?” Nag-aalalang tanong sa akin ni Gina at saka naman ako nito tinignan ng may pagtataka. Napaisip din ako kung ano sasabihin ko dito at sumagi na rin sa aking isipan ang umalis na lang at magdalihan sa dito. Ngun’t alam kong ikakagalit lang nito iyon kung sakaling itulou ko ang aking nasa isipan. “Naku, wala naman ayos lang ako…medjo inisip ko lang ang mga tinuro mo sa akin kanina. Ayos lang ako promise. Pero medjo nagulat lang ako dahil nakakatakot palang talaga ang boss mong pinalihi sa sama ng loob.” Pagkukumbinsi ko dito at ko hininaan ang huli kong sinabi dito at baka marinig pa kami ng lalaking nasa loob. Lumakad na rin ako at nagpunta sa pwesto ko para ayusin ang ilang folder na naroroon. “Relax ka lang yan, sa tingin ko naman gusto ka ng boss ko. dahil alam mo bang sa lahat ng nag-apply dito ikaw lang ang hindi n’ya sinungitan? Actually, mas mabait pa s’ya ngayon n’yan.” Nakangiti nitong sambit sa akin subalit parang dalawa naman ang ibig sabihin ng sagot nito. Ipinaling ko na lang ang aking ulo dahil sa mga pumapasok sa kokote ko at alam kong hindi ito magiging maganda sa akin. Tumango na lang ako dito dahil baka kapag hindi ko pa kinalma ang aking sarili ay baka malaman pa nito na ugnayan naming ng kanyang boss at iyon ang bagay na ayokong malaman nito sa ngayon. Lumipas pa ang ilang oras at nasa harap lang ako ng computer at inaayos ang mga file na kailangan kong pag-aralan, almost one-week na lang kasi ay aalis na si Gina para sa kanyang vacation leave. At kailangan kong ayusin ang lahat ng sa ganoon ay hindi naman mapahiya ang kaibigan ko sa mga kasamahan nito dito. Kasalukuyan akong nagbabasa ng makita kong bumukas ang pintuan ng office ni Mr. Sandoval at para naman ako nanuno dahil sa natulala ko habang ramdam ko ang paglapit nito sa aming magkaibigan. “Sir, may kailangan po ba kayo?” Seryosong tanong ni Gina dito at tumayo pa ito ng tuwid sa harapan nito. Ako naman ay nakatingin lang sa gwapo nitong mukha ng hindi ko na rin naman namamalayan. Kung iisipin mas makinis pa ang mukha nito kasya sa akin, wala ka ding makikita na kahit na anong pores sa buong bahagi nito. Grabe ngayon lang din ako nakakita ng ganitong kalinis na lalaki. Mga nasasabi ko sa aking isipan habang nakikita kong nag-uusap pa rin ang dalawa, hanggang sa nakita kong ngumiti si Gina dito at saka tumingin sa akin at narinig ko na lang ang pagtawag nito sa akin. “Yes, Sir.” Nagulat kong sagot dito na ikinatawa naman ng mahina ni Gina. “Paloma, ikaw ang sasama kay Mr. Sandoval sa magiging lunch meeting nito sa mga bagong investor. Ok na rin ng sa ganon ay masanay ka sa magiging trabaho mo dito.” Paliwanag ni Gina sa akin, napatango na lang ako dahil sa tingin ng lalaking nasa aking harapan na ngayon at mukhang naghihintay ng aking magiging sagot. “Sige po,” Simpleng sagot ko na lang dito at binalot naman ako ng kaba ngayon dahil sa magkakasama kami, tinatagan ko naman ang aking loob dahil ayokong magkamali sa harapan nito. Naglakad na rin kami at sinalubong kami ng driver nagtaka pa ako dahil dalawa ang lalaking kasama namin. “Ikaw pa ang bagong secretary ng boss natin?” Tanong ng isang lalaking mukhang body guard dahil sa kanyang suot na black polo baron, at mababakas naman ang ganda ng katawan nito. Mukhang adonis din ang mukha nito na ikinangiti ko naman dito dahil parang bawat sa lalaki ang panget na emplyado. “Oo, ako nga pala si Paloma.” Pakilala ko dito at ngumiti naman ito sa akin. “Ako naman si Sabino” Sambit nito sa akin na kinatango na lang dito. Binuksan naman nito ang likod ng kotse at nakita kong nakaupo na don ang magaling naming boss, magrereklamo pa sana ako kung bakit sa tabi ako nito uupo subalit nagsalita na rin ito na hindi ko naman nagustuhan. “Kung ayaw mong umupo sa tabi ko kumandong ka na lang kay Sabino sa unahan.” May diin nitong turan sa akin na ikinasama ko naman ng tingin dito. Napabuga pa ako ng hangin bago pumasok sa loob at halos isik-sik ko ang katawan ko sa may gilid h’wag lang dumikit ang balat ko sa mokong na katabi ko. Kinuha ko ang cellphone ko at nagtext kay Gina at sinabing ang smaa talaga ng ugali ng kanyang boss. Nasa bahaye na kami at aaminin kong napapahanga ako sa ganda at bango ng kotse nito, wala ding nagsasalita isa man sa kanila kaya parang pakiramdam ko ay malalagutan na rin ako ng hininga dahil sa hindi ako sanay sa kanilang atmosphere. Huminto ang kotse sa isang maganda at malaking restaurant, na wow na lang ako dahil talagang mayaman lang ang makakapasok sa ganitong ka-elegante na lugar. Mbilis naman akong bumaba dahil ang boss kong kasoy at masama naman ang aura. Nasa likod lang ako nito at hindi ko inaasahan na ganito pa ito kaganda sa loob, dahil sa napapaligiran ito ng gold maging ang mga ilaw nito ay kumikinang dahil sa liwanag na nagmumula sa mga vase na nasa paligid. Maraming painting at halatang mamahalin din ang mga ito, isang staff ang lumapit sa amin at dinala kami sa isang room na nakaserve na rin pala sa amin. Pagpasok naming ay isang babae at lalaki ang naabutan naming daoon at umiinom na rin ng juice ang mga ito at marami na ring pagkain ang nakahain doon. “Pamangkin, mabuti naman at pumunta ka alam mo bang ang tagal ka na rin naming gustong makita. Mula ng dumating kami ay hindi mo na rin nagawang dalawin kami sa bahay ni Mama.” Magiliw na salita ng Ginang sa amin at kung titigan ay hindi naman nito kamukha ang boss ko maging ang lalaking kasama nito na maganda rin ang ngiti sa binata kong boss. “Hindi ko kayo kamag-anak kaya pwde ba h’wag n’yong ikalat sa lahat na magkadugo tayo.” Galit at seryoso naming sambit ng boss ko sa mga ito. Maging ako ay nagulat sa naging pagsagot nito sa dalawang tao, nasa likod lang ako nito at hindi ko magawang umupo dahil baka ikagalit pa nito lalo sa akin. Ang bilin naman sa akin ni Gina kanina ay hayaan ko lang daw makipag-usap ang boss namin sa mga kameeting nito at saka na lang daw ako sasagot kung sakaling hingin nito ang magiging opinyon ko sa kanilang pinag-uusapan. “Ikaw naman Patrick, mga Tito at Tita mo kami remember? Saka ayos lang naman kung hindi tayo magkadugo ang important ay nag-cacare kami s’yo, diba honey ko.” Nakangiti ulit na turan ng babae at saka tumingin sa asawa nito at makahulugan silang nagtinginan. “Simulan na lang natin ang meeting na ito, ng sa ganoon ay makabalik na kayo kung saan man kayo galling? At wala akong panahon sa mga ganitong drama.” Walang buhay na sagot naman ng boss ko at saka umayos pa ng pagkakaupo at muling tinignan ang dalawa. Masasabi kong may paksa bastos din naman talaga ito na hindi ko ikinatutuwa dito. Maari naman s’ya makipag-usap sa mga ito ng hindi nagagalit o masama ang aura, pero hindi naman ganoon ang nangyayari ngayon. “Hanggang ngayon ay mainipin ka pa rin, Patrick. Pero sige narito lang naman kami para malaman mo na gusto naming mag invest sa bagong hotel na gusto mong ipatayo sa Dubai. Nalaman namin na mas malaki pala iyon sa lahat at mukhang billion na rin naman ang kinita mo kaya naman gusto sana rin naming kumita tulad mo.” Paliwanag ng lalaki at nagtitigan silang dalawa sa mata. Napataas naman ang kilay ng boss ko at malalim itong nagsalita bago muli ng labas ng kanyang mga sasabihin. “Sa tingin n’yo ba tatanggapin ko ang proposal na ito? Marami naman kayong business hindi ba? Kaya bakit gusto n’yo pang makigulo sa mundo? Bakit, hindi n’yo na lang palakihin iyon ng sa ganoon kumita kayo ng malaki tulad ng sinasabi n’yo ngayon sa harapan ko. Oh, baka naman totoo na rin ang mga nababalitaan kong palugi na kayo at halos mag full out na rin kayo ng lahat ng investment sa iba pang company na meron kayo? Saka ano naman mapapalata kung makikianib ako sa inyo?” Makahulugan na sagot naman ng binata sa mga ito. Nagkatinginan pa ang mag-asawa at napayuko naman ang babae dahil sa mukhang tama ang sinabi ng suplado kong boss. “Alam n’yo sa totoo lang ay hindi ko naman kailangan ng mga investor, kaya lang naman ako pumunta sa meeting na ito ay dahil sa nagugutom ako at saktong kayo rin pala ang magiging ka meeting ko. Kaso nakakawala pa rin pala ng gana kung kayo lang ang makakasabay ko.” Dag-dag pa ng binata at saka tumayo na ikinaalarma naman ng dalawa. “Sandali lang naman Patrick, baka pwde mo naman kami pagbigyan pakiusap. Wala naman kaming masamang intension s’yo gusto lang talaga naming mag invests s’yo dahil alam naming kikita iyon ng malaki. Totoong nalulugi na rin ang iba pa naming business at kaya ka naming gustong makausap ay dahil sa alam naming na mabuti kang tao na tulad ng mga magulang mo. Gusto lang naming na s’yo na lang naming itaya ang huling pera na meron kami, hindi madali ang buhay pero lumalaban pa rin kami. Alam din ni Mama na kakausapin ka naming ngayon, pero alam n’ya rin naman ang magiging sagot kaya sinabihan na lang n’ya kami na h’wag na ito ituloy. Pero nakikiusap ako s’yo kailangan naming ng tulong mo, pakiusap.” Paliwanag ng babae dito at kulang na lang din ay lumuhod ito sa kanyang harapan. Napabuga naman ng hangin ang boss ko at nagulat po ako dahil sa akin ito tumingin ng hindi ko inaasahan. Nanglaki pa ang mga mata ko dahil sa tingin nitong bagod at mukhang stress na sa kanyang kausap. Ngun’t basa sa nakikita ko pa rin dito ay gusto nitong humingi ng tulong sa kung ano ang kanyang magiging desisyon. “Excuse me po Madam, sa tingin ko po mas maganda kung mag submit na lang kayo ng proposal thru email sa company ng sa ganoon ay mabasa po ng boss ko at makita n’ya kung pwde n’ya kayong tanggapin. Saka kung pwde po ilagay natin sa pagiging professional ang lahat ng sa ganoon po ay walang maging problema sa huli.” Magalang kong salita at saka konting inilayo ko ito sa boss kong masungit. “Teka sino ka ba? Hindi naman ikaw ang secretary ng pamangkin ko, ah?” Mataray pa nitong sagot sa akin na ikinangiti ko lang din dito ng pilit. Masungit itong tumingin sa akin ngun’t dahil nasa gitna ako ng aking trabaho ay pinilit ko pa rin na hindi lumabas ang pagiging maldita ko dito. “Ako po si Paloma ang bagong secretary ni Mr. Sandoval? Kayo sino po ba kayo pwde ko po bang malaman kung ano at sino kayo? Base po kasi sa narinig ko kanina hindi po kayo kapamilya ng boss ko.?” Nakangiti ko pa ring tugan dito at pinakita ko dito ang pagiging professional ko pagdating sa trabaho. Nakita ko ang pagtaas ng kilay ng Ginang at natitiyak kong hindi nito nagustuhan ang aking sinabi. “Tama ang secretary ko mag submit na lang kayo ng proposal sa office ko at pag-aaral ko na lang kung pwde kayong maging investor o hindi.” Walang buhay nitong singit sa usapan namin ng Ginang, masa sumama naman ang tingin nito kay Mr. Sandoval na hindi naman nito pinansin. Napapailing pa ako dahil mukhang parehong masama ang ugali ng dalawang ito at wala ring gustong magpatayo, hindi daw sila magkamag-anak subalit iisa naman ang mga aura. Kaloka rin minsan ang mayayaman dahil talagang sadyang mga maldita sila kahit pa saang lugar sila naroroon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD