-Paloma- Sa lumipas pa na ilang araw ay mas naging malamig kami sa isa’t-isa ni Mr. Sandoval, walang gustong magsalita isa man sa amin o para pag-usapan ang tungkol sa aming dalawa. Nagpatuloy pa rin ang relasyon nito sa kanyang fiancé na si Madeline at hindi ko man aminin ay alam kong may kirot sa aking puso ang mga nakikita ko sa dalawa. Nagpukos na lang ako sa aking trabaho at kahit papaano ay nawawala ang sakit na nararamdaman ko sa tuwing nakakasama ko si Kevin. Napagpahayag na rin naman ang binata sa akin ng kanyang damdamin pero tinanggihan ko ito dahil ayokong dumating ang araw na magsisisi ako dahil sa binitawan ko ang pagmamahal ko sa iba. Mabait at maalalahin naman si Kevin, at gusto ko itong maging kaibigan tulad na rin nila Red at Sabino. Noon pa man ay malapit na ako sa mga

