-Paloma- Wala akong lakas ng loob na bumangon sa higaan mabuti na lang talaga at week end ngayon at wala akong pasok sa office. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang mga nangyari kagabi at para sa akin ay hindi madaling kalimutan ang bagay na yon, lalo pa at ramdam ko pa rin ang halik nito sa akin na gusto ko na rin mawala sa isipan ko. Subalit alam kong walang ibang makakatulong sa akin kung di ang sarili ko lang, wala naman nangyari at hindi ako nito naangkin at hindi naman ako nagkaroon ng kapanatagan sa aking pag-iisip dahil alam kong maaaring maulit ang lahat sa oras na hindi ko inaasahan. Maghapon akong natulog at wala akong ganang kumain ng kahit na anong klaseng pagkain, pinatay ko na rin muna ang phone ko dahil ayokong sumagot ng kahit na kaninong tawag lalo na kung galing la

