Continuation... “ANO NA, MAHAL ko?” “Kapag darating ang araw na mag-aaya ka sa akin at hindi ko talaga maibibigay iyon. Sana hindi maging rason ang maghanap ka ng pampalipas oras.” “Kakayanin ko iyon. Ako naman, if ever CEO na ako ng kumpanya namin tapos ikaw ay nag-aaral pa. Sana maintindihan mo na magbabago na kunti ang oras sa pagitan nating dalawa. Pero huwag kang mag-aalala dahil maghahanap ako palagi ng oras para may silbi pa rin iyong asawa time na sinasabi ko kanina.” “Thank you, mahal ko. Iyon lang naman siguro. Wala na akong maidagdag pa.” “Ako rin. Basta we should go with the flow habang in-apply ang mga batas sa relasyon natin.” “Yes, stay strong sa atin.” “Amen.” Bumangon naman si Winter mula sa binti ko at kumuha ng pagkain. Habang naglalagay ng spread, nakipag-usap

