KURT DE MERCEDES “ETHAN DE MERCEDES, Magna c*m Laude,” sabi ng emcee. Pagtayo ng anak ko sa upuan niya, hindi ko mapigilang mapatulo ang luha sa akin mga mata. Ang saya ko lang na umabot sa ganitong achievement ang anak ko. Alam ko ang sakripisyo na ginawa niya, kahit hindi niya gusto ang kurso na meron siya ay wala siyang nagawang tinanggap ito at niyakap nang buo. Ginawa niya pa rin ang best niya para sa amin na malaki ang tiwala sa kanya. Napakasarap lang sa pakiramdam na makita ang resulta ng pagpupursige niya sa pag-aaral. Lumingon sa akin ang anak ko at alam kong doble ang saya niya. Nagsimula na ring pumatak ang luha sa mga mata niya habang hindi matikom ang bibig sa pagngiti. “I love you, dad!” sigaw niya. “Kunin mo na... I’m so proud of you, ’Nak,” sigaw ko. Nang nagsimula

