KURT DE MERCEDES “Winter! Spring!” sigaw ng anak ko. Napalingon naman ako mula rito sa kusina. Nagluluto kasi kami ni Yaya ng pananghalian. Dadalaw kasi rito sina Kyro at Ethan kasama ang mga anak nila. Hindi ko muna sila pinuntahan sa labas. Nandoon naman sina Mommy at Daddy para mag-entertain sa kanila. Alam ko kasing matatagalan kami rito ni Yaya dahil marami-rami rin iyong niluluto namin. Bulalo at steak akin habang pasta at caldereta naman ang kay Yaya. Habang abala sa pagluluto... “Marunong ka na pala magluto? Hello, Yaya,” si Ethan. Boses niya iyon. Napalingon naman ako sa kanya at kayakap niya ngayon si Yaya. “Hi, busy pa ako.” “Prepared, ha?” nakangiti niyang sabi. “Syempre. Ang special kaya ng mga visitors ko. Dapat special din ang mga pagkain na ihahanda ko.” “You look g

