KURT DE MERCEDES NANG NATAPOS KAMING kumain ay pumunta na kami sa pool area. Dahil may maliit kaming kubo roon, doon namin naisipan tumambay. Presko rin kasi ang hangin doon. Walang sawa naman kaming nagkuwentuhan at nagkumustahan. Until now, hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na talaga sila. “Daddy Kurt,” sambit ng anak ko. “Yes, baby,” sagot ko. “Can you get some pizzas? I want to eat po.” “Okay. But promise me na rito ka lang, sa kubo... Bawal kang lumabas, okay? Ky, Than, pakitingnan muna ang anak ko.” “Sure. Bro, get some wine na lang. Mag-inuman tayo. Nandiyan naman si Ethan, siya na lang magmamaneho mamaya pag-uwi.” “So hindi mo siya paiinumin?” natatawa kong tanong. “Parang ganoon na nga...” Hinawakan niya ang mukha ni Ethan. “Hindi ba, mahal?” “Oo, mahal. Pero ang

