KURT DE MERCEDES PAGKAGISING KO, BUMUNGAD sa akin ang mukha ng tatlong bata. Nagtatawanan naman sila sa pamumuno ng anak ko. Napakunot noo naman ako kung ano ang ginagawa nila at kung bakit pinagtatawanan nila ako. Nang makita ko ang polbo sa gilid ko, roon ko nalaman kung ano ang ginawa ng anak ko. Binuhusan niya ang mukha ko. “Ghost si Daddy!” natatawang sabi ni Ethan. “Ikaw talagang bata ka. Pinagtripan mo naman si daddy,” sabi ko. “Tito Ethan utos me,” aniya. Bumuntonghininga na lang ako. Ang ex ko pala ang may pasimuno ng lahat. Bakit kaya ako ang pinagtripan niya at hindi ang asawa niya? Pagtingin ko sa tabi ko, tulog pa rin ang kaibigan ko. “Saan na si Ethan?” tanong ko. “He said na gagawa raw siya ng soup sa baba for us daw,” sabi ng anak ko. “Okay.” Bumangon na ako. Hul

