ETHAN DE MERCEDES “Dad, saan tayo kakain after this?” bulong ko. “May misa pa, ’Nak. Tumahimik ka muna,” suway ni Dad. Pabulong niya ring sagot sa akin at kinurot pa talaga ang binti ko. “Pero nagugutom na ako, dad. Hindi na lang natin tapusi—aray ko!” “Tumahimik kang bata ka.” “Oo na. Sorry, Lord.” Napanguso na lang ako nang masaksihan ang pagbuntonghininga ng ama ko. Grabe! Wala man lang suporta sa akin. Hindi ba niya naisip na puwede akong magkasakit kapag nalipasan ng gutom? Nag-iisa niya lang akong anak! Pero bakit ba ako nagrereklamo? May punto naman siya. Tama nga siya! Wala akong kuwentang kausap. Minuto ang lumipas, napangiti na ako nang matapos ang misa. Agad ko namang hinalikan sa pisngi ang ama ko. Wala akong pakialam kung may makakita sa akin. Wala namang masamang maha

