KURT DE MERCEDES MADALING ARAW AY nagising na ako. Agad ko naman iminulat ang mga mata ko nang naramdaman na walang kamay ang yumapos sa akin. Hindi lang ako sanay. Hanap-hanapin ko pala talaga ang higpit ng yakap ng nag-iisa kong anak. Nang nakumpirma ko na wala talaga ang anak ko, agad akong bumangon. Pumunta naman ako sa banyo at hinanap siya roon. Pero pagbukas ko ng pinto, napakunot noo na lang ako dahil wala pa rin siya roon. Walang tao. “Anak ko?” pagtawag ko. “Daddy, I’m here at the balcony. Good morning and I love you, dad,” masiglang sabi ng anak ko. Napangiti na lang ako nang marinig ang matamis na sinabi ng anak ko. Natatawa na lang ako sa sarili ko kung bakit pinipilit ko siyang lumipat ng kwarto kahit ang totoo ay hindi ko rin kayang malayo siya sa akin ng ilang metro.

