ETHAN DE MERCEDES “ETHAN,” tawag sa akin ni Dad. Nandito ako sa kuwarto at abala sa paglalaro ng playstation. Gusto ko lang maglaro para malibang. Magdamag kasi ako sa library kanina para mag-aral dahil sa quizzes namin sa pinakaayaw kong subject. Hindi ako bobo at madali lang sa akin makapasa, pero napapagod din naman akong mag-aral. Palagi na lang mga numero. Kahit saan, numero ang nakikita ko sa worksheet ko. Business pa more! Ang hirap maging only child! Hindi mo makukuha ang gusto mo dahil para sa kumpanya niyo. Ako rin naman kasibang magmamana ng lahat ng iyon kaya laban. Wala naman akong reklamo kahit hindi ko nakuha ang kursong gusto ko. Kunti lang. Aaminin kong may panghihinayang pero para sa wealth namin. Lalaban ako. Magiging CEO pa ako sa kumpanya na pinaghirapan ng ninuno na

