MAUREEN’s POV After the wedding, we decided to stayed here at the rental house. Ito ang gusto ni Sandoval sa halip na sa hotel kami mag stay. Inubos namin ang bawat minuto at oras na nakahiga at magkayakap sa kama. I felt sadness in his arms. Sa bawat halik niya sa akin ay pakiramdam kong ito na ang huling beses niya ako hahalikan at yayakapin. Ramdam ko ang bigat ng kanyang bawat paghinga sa tuwing yakap ko siya. Batid kong pilit lang niya pinasasaya ang sarili niya sa tuwing nasa harap ko siya. Ramdam na ramdam ko ang bigat ng problema na mayroon siya pero pinipilit niya na ipakita sa akin na walang problema at wala ako dapat na problemahin. “Food is ready!” malambing na sabi niya sa akin saka ako pinatakan ng halik sa buhok. I should be the one who cooks food for me as his wife. But

