MAUREEN's POV “Anong gagawin natin dito?” manghang tanong ko sa kanya ng iparada niya ang kotse sa parking lot dito sa munisipyo. Ang sabi niya sa akin kanina ay makikipag-meet kami sa wedding planner namin para sa kasal namin. Kaya nagtataka ako kung bakit kami narito ngayon sa lugar na ito. Nang matapos niya na patayin ang makina ng kotse ay seryoso na hinarap niya ako. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko ng pagkahigpit-higpit at pagkatapos ay pinatakan ng halik saka siya nagsalita. “Promise pakakasalan din kita sa simbahan, promise ko ‘yan sa sa ‘yo baby. Pero sa ngayon dito muna kita pakakasalan, is it okay with you?” wika niya sa akin habang nakatitig sa mga mata ko. “Ano? Ikakasal na tayo ngayon?!” gulat na gulat kong balik tanong sa kanya. It’s okay with me kahit hindi sa s

