Chapter 31

1161 Words

MAUREEN's POV “Ate Evelyn!” tawag ng batang ang pangalan ay Bem sa babae na dumating. Sinalubong nito ang Ate nito at sinabayan ng lakad patungo sa lamesa. “Uhm… Nana Roseng, pinabibigay po ni Tatay para daw po kay kuya Reynold,” mahinang sabi nito sa Lola ni Sandoval at nahihiya na pumaling ng tingin sa gawi namin ni Sandoval. “Pakisabi sa Tatay mo hija na maraming salamat dito sa niluto niya,” sagot naman ng matanda sa babae na ang pangalan ay Evelyn saka kinuha sa kamay nito ang tupperware at inilapag ito sa ibabaw ng lamesa. “Naku! Apo, paborito mo pala ‘tong dala ni Evelyn, oh. Kalderetang baka!” baling na sabi ng Lola ni Sandoval matapos buksan ang tupperware. “Naku, hija. Pakisabi sa Tatay mo na matutuwa nito ang Apo ko, paborito niya ito,” sabi naman nito sa babae na kahar

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD