“Maligayang pagbabalik, Apo!” Masayang bati ng matandang babae kay Sandoval pagbaba namin ng sasakyan. Nangingilid ang mga luha na yumakap ang ito kay Sandoval ng mahigpit. “Masayang-masaya ako at naka-uwi ka dito bago sumapit ang kaarawan ko,” anang matanda na hindi pa rin mapigilan ang pagluha sa sobrang kasiyahan na makita si Sandoval. “Di ba po La, promise ko po sa ‘yo na uuwi ako bago sumapit ang birthday mo ‘di ba? Kaya heto na ako, at hindi lang ‘yan. May kasama pa akong surprise para sa ‘yo,” nakangiting sagot ni Sandoval sa matanda saka ito kinintalan ng halik sa noon. “Na-miss ko po kayo ng sobra Lola,” “Eh kung namimiss mo akong talaga, sana hindi ka na umaalis dito sa lugar natin,” may bahid ng pagtatampo na sagot ng Lola ni Sandoval sa Apo. “Sinabi ko naman sa ‘yo na dito

